22


Napuyat ako. Sabog akong pumasok sa eskwelahan. Para akong nakatira ng sandamukal na katol. Ang lalim ng mga mata, nakalobong eyebags, matamlay. Ganyan ako kapag kulang sa tulog.

Absent na naman ako sa first subject ko ngayong araw. Nagising naman ako nang maaga pero hindi ko lang kayang bumangon. Tinext ko na lang si Kevin para hindi na niya ako sunduin. Tinuloy ko na lang ang tulog. Tutal, hapon pa naman ang next subject ko.


"Mark, tahimik ka kanina pa. Hindi ka 'ata hyperactive ngayon."

"Tahimik naman talaga ako dati pa. Tssk."

"Dati kasi ikaw ang pinakamagulo sa klase. Nahawa tuloy 'yung mga alipores mo. Wala ka bang sakit?"

"Napuyat lang Mags. Alipores ampu—"

"At sino naman ang pinagpupuyatan mo? Last week three days kang absent tapos ngayon lutang ka naman. Okey ka lang ba talaga?"

"Grabe ka naman. May mga importante lang ako ginawa."

"Mukha nga. Hindi ko pa nga pala nakakalimutan promise mo sa 'kin."

"Anong promise?"

"Yung treat mo. Ano ba yan nakalimutan mo na agad. Hmmm," pataray na sabi niya.

"Oy, Mags, biro lang 'yun. Tara mamaya?"

Napangiti siya. "Nako, Mark, 'pag drawing na naman 'yan susuntukin na kita."

"Sure na 'to."

"Jollibee?"

"'Wag do'n."

"Bakit?"

"Basta."

"E bakit sa Jollibee ko kayo nakita dati ni Kevin?"

"Basta."

"Sige na nga."


Buset, parang lumulutang pa ako. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase ko. Wala man lang akong natutunan kahit ata isa.

Inaaya ako ng mga kasamahan ko sa dapartment para magbasketball pero hindi ako sumama. Hinintay ko si Kevin sa lobby malapit sa gate ng school. Ang tagal niya at wala man lang text. Baka nasa klase pa 'yon kaya naglakad-lakad muna ako sa pasilyo ng school. Marami naman akong nakakwentuhang mga kakilala kaya hindi naman ako nainip.


Beep. Beep. Si Maggie pala.

Mr. Mark Lopez III, ano tara na?

Wait lang Mags. May hinihintay lang ako.

Okey. Take your time.

Nasan ka ba?

Dito sa tapat ng department. Walang kasama.

Ah. Sige puntahan nalang kita jan.

Okey.


Pinuntahan ko naman agad siya. Nadatnan ko si Maggie kasama ang ilan niyang mga kaibigan. Napasobrahan 'ata ng tabas ang kanilang mga uniform. Hapit na hapit. Maigsi. Takaw-tingin tuloy sa iba.


"Akala ko mag-isa ka lang?" tanong ko agad.

Sumabat naman agad yung isa. "Ikaw naman, Mark. Ayaw mo ba kami makasama?" Nagtawanan silang lahat.

Ngumiti ako. "Hindi. Hindi. Hindi ganon."

"Uy, Maggie, sinusundo ka na 'ata ng Prince Charming mo," sabat ng isa.

Pinakilala naman ni Maggie sa 'kin sila isa-isa bago kami umalis.

"Mags, may dala akong motor. Siguro susundan na lang kita."

"Mark, wala akong dalang sasakyan," sabi niya habang naglalakad kami.

"Kaya mo ba umangkas?"

"Bakit naman hindi. Exciting."

"Ikaw. Bahala ka."


Sa mall na kami dumiretso. Naglakad-lakad kami nang konti.

"Mark, 'di ba may girlfriend ka?"

"Oo."

"Baka magalit siya."

"Nasa Saudi. Wala naman tayo ginagawang masama."

"Ah. Long distance relationship, huh?"

Tumango ako.

"Mark, gusto mo manood ng movie?"

"Next time na lang. May gagawin kasi ako 'maya."

"Lagi naman e."

Light meal lang 'yong in-order nya. Nahihiya naman akong um-order nang marami kasi para siyang pusa kung kumain. On diet daw kasi siya. Ang dami naming napagkwentuhan. Sa gitna ng aming kwentuhan may napansin ako na parang dumaan. Pamilyar na mukha. Mula sa aming kinauupuan, malinaw mo kasing makikita ang mga nagdaraan. Maraming tao sa mall nang mga oras na 'yon kaya hindi ko na lang pinansin.

"Mark..." tawag ni Mags. Tinapik niya ako sa balikat.

"Ah. Parang may nakita lang ako kanina," mabilis kong dahilan.

"Sino?"

Umiling ako. "Baka mali lang ako," sagot ko.

"Mark, salamat ha?"

"Saan?"

"Dito."

"Ah. Sus. Wala 'yun."

"So, friends na tayo?"

"Matagal na tayong friends, 'di ba?"

"Ibang level na syempre ngayon. Dati hindi man lang tayo nagkakausap nang ganito."

Napangiti ako. "Oo naman."

"Sana mag-champion ang basketball team this time."

"Sana."

"Galingan mo, ha?"

"Hindi lang naman ako ang naglalaro sa team."

"Ikaw kaya ang team leader."

"Alam ko maraming magagaling ang papasok sa team ngayong taon. Maraming batang player."

"Basta ikaw ang aabangan ko."


* * *


Hoy Kevin bakit late na text mo, nandito nako sa bahay. Text ko sa kanya.

Hindi mo naman ako hinintay.

Eh may pinuntahan kasi ako kaya nauna na akong umuwi sayo.

May ibibigay pa naman ako sayo.

Ano yun?

Wag na baka hindi mo magustuhan.

Nagdrama ka na naman.

Bukas nalang. Sige tulog ka na.

Oy loko nagaaral ka ba ng mabuti ha?

Oo naman. Ikaw lang naman ang hindi Mark.

Oy Kevin, labas tayo?

Baka busy ka.

Kaya nga kita inaaya eh.

Libre mo?

Oo. Sige na.

Jollibee?

Saan pa nga ba? E dun lang naman tayo kumakain.

Sunduin kita jan sa inyo.

Wag na. Ako nalang susundo sayo.

Bahala ka.


E di ano pa nga ba? 'Ayun, sa Jollibee na naman kami napunta. Kung may loyalty award lang, nako, matagal na kaming may sabit. Apat na orders ng B3. Go large ang fries and drinks. Wala na masyadong bisita si Jollibee no'ng dumating kami.

"Oy, Kevin, ano 'yung ibibigay mo?"

"Wag ka magagalit, ha?" nakangiti na naman siyang nakakagago.

"Nako. Ayan na naman 'yan."

"Tssk."

"'Wag mo na lang kaya ibigay," sabi ko.

"Alam mo ba kanina?"

"Oh."

"Maaga ako lumabas ng klase. Nagpaalam ako sa prof namin. Sabi ko emergency. Pumunta ako ng mall."

Sabi ko na nga ba e. Siya 'yong nakita ko kanina.

"Ano naman ginawa mo sa mall?"

"Naghanap ng iPod."

"Kevin, naman. Naman, naman!"

"E alam ko kasi na mahalaga sayo 'yon. 'Di ba Christmas gift sa 'yo 'yun ng nanay mo? Gusto ko sana kahit na hindi katulad ng dating iPod mo, mapalitan 'yun."

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yun, Kevin. Sinanla ko 'yun dahil may mas mahalaga akong bagay na gusto kaysa sa kanya."

"'Eto oh." Inabot niya 'yong isang box. "Buksan mo," sabi niya.

Binuksan ko naman agad. Isang iPod ang laman, iPod Nano na kulay black.

"Pasensya ka na, Mark, 'yan lang nakayanan ko. Matagal ko 'yan pinag-ipunan. Hindi nga lang kasing mahal ng iPod classic mo."

Napakamot na lang ako sa ulo.


   
Buy Me A Coffee

Story Copyright © 2010 Sympaticko