57


Mahigit isang taon na ang lumipas.

Naging isang kilometro lang ang pagitan ng Manila at Pampanga sa kanya.

Gano'n pa rin siya... gano'n pa rin kaming dalawa. Kakaiba pa rin ang mga trip.

Lagi pa rin siya dumarating sa hindi inaasahang oras. Bigla na lang sumusulpot sa bahay. Nagagawa pa niyang umabsent at mag-cutting classes para lang makauwi ng Pampanga.

Minsan nga, biglang dumating 'yon sa bahay nang dis-oras na ng gabi. Wala lang. Trip-trip lang.


* * *


Malakas ang buhos ng ulan. Kanina pa ako naghihintay. Hindi ako mapakali.


"Mark, Anak, okey ka lang?"

"Katagal eh. Hindi pa nagre-reply."

"Tawagan mo na kaya."

"'Wag na po. Baka on the way na 'yun."


Pagkalipas ng isang oras...


"Anong petsa na? Akala ko ba ala una."

"Sorry."

"Nako."

"Hahaha.."

"Bakit ngayon ka lang?"

"Napuyat ako kagabi... kakaisip. Kinakabahan ako sa laro mamaya."

"Sus. Oh 'eto, isuot mo sapatos ko."

"'Wag na. Baka matalo pa."

"Sige na. Malakas tatalon 'yan."

"Sige. Hige. Kung saan ka masaya."


Habang bumabyahe...


Sinipat ang oras.

"Jollibee muna tayo," aya ko.

"Late na tayo—"

"Hindi pa."

"Bahala ka."


Huminto kami sa isang malaking gasoline station na may Jollibee bago pumasok ng NLEX.


"Kailan tayo huling nag-B3... Kevin?"

"Hindi ko na matandaan."

"Last month?"

"Oo 'ata. Bakit, Mark?"

"Wala lang. Mami-miss ko lang 'to."

"Ha?"

Hindi na ako sumagot.


"Kevin, nakailang B3 meals na kaya tayong dalawa... simula noon."

"Kung ano-ano naman 'yang mga tinatanong mo."

"Mami-miss ko 'to."

Binatukan niya ako.

"Bakit?"

"Wag ka naman ganyan. Para ka naman nagpapaalam niyan eh."

Ngumiti na lang ako.


Pahinto na ang buhos ng ulan. Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng NLEX.

Pumasok ang sunod na kanta.


Do you know what's worth fighting for?
When it's not worth dying for?
Does it take your breath away
And you feel yourself suffocating?

Does the pain weigh out the pride?
And you look for a place to hide?
Did someone break your heart inside?
You're in ruins

One, twenty-one guns
Lay down your arms, give up the fight
One, twenty-one guns
Throw up your arms into the sky, you and I

When you're at the end of the road
And you lost all sense of control
And your thoughts have taken their toll
When your mind breaks the spirit of your soul

Your faith walks on broken glass
And the hangover doesn't pass
Nothing's ever built to last
You're in ruins

One, twenty-one guns
Lay down your arms, give up the fight
One, twenty-one guns
Throw up your arms into the sky, you and I

Did you try to live on your own
When you burned down the house and home?
Did you stand too close to the fire
Like a li—


Dumilat ako. Pinatay ang stereo.

"Okey ka lang?" tanong niya. Ang mga tingin niya, kakaiba.

"Bakit?"

"Nakakapanibago lang. Tahimik ka kasi. Nag-aalala na 'ko sa 'yo."

"Basta galingan mo mamaya sa game mo."

"Nag-aadik ka ba?" Nagpapatawa siya pero iba ang sinasabi ng mukha niya.

"Loko."


* * *


Sumagasa si Huget sa depensa ng kalabang team na karamiha'y nakaposte sa paligid ng free throw line. Mabilis ang dating ng bawat buslo niya ng bola na animo'y nag-aanyaya na magpakuha.

Sumunod ang iba. Nilihisan niya. Napasok ang loob. Nagawa niyang itapak ang kanyang mga paa sa pinakamalapit na sulok.

Tumalon. Lumipad sa ere. Nakamuestra upang tumira. Sinabayan ng dalawa at tinangka nilang pigilan ang pagpukol niya ng bola.

Binitin ni Huget ang bola sa taas. Humarang ang mga kamay ng kalaban sa daraanan ng bola papuntang basket. Halos imposible ng makalusot yun sa sobrang tindi ng depensa.

Patuloy na nauubos ang oras. Naghihingalo ang shot clock.


Tumira siya ng fade away shot. Bumagsak ang huling segundo ng shot clock.


Counted foul!


Natahimik ang lahat. Ang iba ay nakanganga at ang iba ay nakamulat... lahat ay gulat na gulat. Wala na akong masabi sa kanya.


Bonus shot.


Points.


Nagtayuan ang karamihan, nagpalakpakan. Dumadagundong ng sigawan. Lahat ng naririnig ko, puro papuri sa kanya.


* * *


After ng game. Manila Bay...


"Congrats... MVP."

"Salamat."

"Idol na kita."

"Sus. Nang-uto pa."

"Seryoso."

"Hahaha!"

"Sobrang galing mo na."

"Dahil sa 'yo 'yun, Mark. Gusto ko laging magpa-pogi sa 'yo."

Ngumiti ako. Napakunot-noo naman siya.


Umiihip ang malamig na hangin. Malawak na dagat ang aming nasa harapan. Nagtatago ang buwan sa kumot ng kalangitan. Madumi ang himpapawid. Nagbabadyang umulan.

Lingon siya nang lingon sa akin habang ako ay diretso lang ang tingin, nakatuon sa malayo.


"Kevin... "

Tumingin siya sa akin. Nagsimula na namang bumigat ang aking dibdib.

"Ano 'yun?"

"Aalis ako."

"Aalis?" Nag-iba na ang tono ng boses niya.

"Yep."

"Saan ka pupunta?"

"Middle East."

"Dubai?"

Tumango ako.

"Ah."

"Malayo 'yun. Isang libong Manila-Pampanga ang layo."

Hindi na siya nakasagot. Lumingon ako para tignan siya. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Hindi ko agad sinabi sa 'yo kasi—" Hindi ko na natapos. Nagsalita na agad siya.

"Kailan ka aalis?"

"Next month."

"Matagal ka mawawala?"

"Oo."

"Mga ilang buwan? ...ilang taon?"

"Baka dalawang taon. Pwede rin mas matagal pa du'n. Depende. Baka mag cross country na 'ko sa Canada pagkatapos. Bahala na."

"Masaya ako—"

Kumalas siya ng tingin. Ibinaling sa ibang direksiyon.

Natapyas ang ilang segundo. Walang imikan.

"Salamat," tugon ko.

"Hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

"Wag na... wag mo na ako hintayin."

Pumatak ang luha niya kasabay ng pagbagsak ng ulan.

"Hihintayin pa rin kita."

Umiling ako.

"Mami-miss kita... Mark."

Bumuhos ang malakas na ulan. Kasing lakas ng pagbuhos ng aking luha nang hindi ko namamalayan.


   
Buy Me A Coffee

Story Copyright © 2010 Sympaticko