28


"I'm just saying that—fuck!"—sinadya kong biglang magpreno kahit na medyo malayo pa 'yong motor na nag-overtake sa harap namin. Bahagya pa 'kong natawa sa itsura ni Yuri bago muli kong pinaabante 'yong sasakyan—"you should talk to him," pagsisimula na naman ng kapatid ko.

Lulan kaming dalawa ng HiAce nina Bryan, papunta sa airport para sunduin si Mama, at ako ang nagda-drive. Si Yuri ang kumausap kay Bryan para kausapin sina Tito na pahiramin kami no'ng van. Ang gusto ko kasi sana ay mag-rent na lang, pero sabi ni Yuri, siya na lang daw ang bahala kasi, sabi niya, ang gusto ko lang naman daw talaga ay iwasan si Bryan. Mula kasi no'ng Friday ng gabi, hindi pa rin kami nag-uusap.

Pride na kung pride, pero sa 'ming dalawa, hindi ako ang mauunang lalapit sa kanya.

"And I'm saying, you should let me focus on the road." Napailing ako. "'Tang 'nang mga driver kasi 'yan, oh—tatanga e! May mga kamote pa." Kaya hindi rin talaga 'ko kailanman naghangad magkaro'n ng sariling kotse e. Ii-stress-in ko lang ang sarili ko kung magda-drive ako araw-araw. Kung sa probinsya siguro 'ko nakatira, pwede pa.

"It's like Mom and Dad all over again."

"Tss. Gago, 'wag mo nga 'ko itulad do'n." Napabuntong-hininga ako. "'Tsaka, 'di kami nag-aaway, 'no. We're just... not talking."

"Which is worse, ya know? He's leaving on Thursday."

"Oh, e di mag-text s'ya; tawagan n'ya ko; puntahan n'ya 'ko sa condo. 'Tang ina ba n'ya?"

"E scared nga daw s'ya suh-yow."

Natawa 'ko. "Putek. Ri, takot 'yon, 'yung scared."

"Tsk." Hinampas niya 'yong hita niya. "Don't change the subject! By the way—that guitar—if you're buying a guitar, you shoulda bought—um, I dunno. Gretsch or Fender or something, not... whatever that was. Or, you could—"

"It's a guitar. Who cares?"

Napangisi ako. Kitang-kita ko 'yong pagtitiim ng mga panga niya sa inis. Alam ko na kasi 'yong mga susunod niyang sasabihin e.

Pagkagising ko kasi kahapon, may text si Chester sa 'kin, nagtatanong kung magpupunta pa raw ba 'ko sa practice namin after lunch.

Sa totoo lang—sa totoo lang talaga—sobrang laki no'ng temptation na bumalik na lang ako sa dati, na i-ignore ko na lang 'yong text niya at matulog maghapon. Aalis naman na si Bryan e. Wala nang dahilan para ipagpatuloy ko pa 'yong pagbabanda. Hindi ko naman 'yon kailangan e.

Yata.

Parang ilang minuto ko ring pinag-isipan 'yong isasagot ko kay Chester.

Sobrang gulong-gulo rin kasi talaga 'ko.

Pero, sa huli, umoo ako. Sigurado rin akong hindi 'yon pupunta si Bryan sa practice namin dahil nahihiya 'yon sa 'min, kaya sinabi ko na rin kay Chester na ako na lang siguro ang magri-rhythm at si Ron o si Bon naman ang magli-lead. Kaya ko naman kasing maggitara habang kumakanta e, pero mas madali lang kasi talagang kumanta kung hindi ako naggigitara. Kumbaga, noon, hindi ko pa kailangang mag-multitask kaya mas nakakapag-focus ako sa pagkanta.

Kaya, pagkatapos namin mag-early lunch ni Yuri, dumiretso naman ako sa Pilar para bumili ng electric guitar do'n sa Garahe. Binili ko 'yong pinakamura. Kasi, sa totoo lang, bukod sa wala akong masyadong alam sa mga electric guitar, hindi ko rin alam kung ga'no katagal ko iyong gagamitin. Sayang naman kasi kung bibili ako ng napakamahal na gitara pero itatambak ko lang din pagkatapos ng ilang buwan.

"Nag-usap na ba kayo?" ang ipinambati sa 'kin ni Bon pagkarating ko sa bahay nila.

Syempre, si Bryan ang tinutukoy niya.

Inilingan ko siya. "Hindi pa."

"Mag-usap kayo, P're."

Saka lang pumasok sa isip ko na parang umamin na rin pala 'ko sa kanila kagabi sa sexuality ko dahil do'n sa naging reaction ko sa sinabi ni Bryan. Bigla akong kinabahan, pero agad ko ring pinakalma ang sarili ko. Kung tama kasi si Yuri—at tuwing nakakasama ko si Ron alam kong tama nga ang kapatid ko tungkol sa pagkakagusto no'n sa 'kin—pakiramdam ko, matagal na ring may alam itong si Bon, pati na rin sina Chester at Bryan. Kung iisipin ko nga, parang ilang beses na pala yata nilang ipinagtutulakan si Ron sa 'kin.

Pero, kung gano'n, ibig sabihin lang ba na sinabi mismo ni Bryan sa kanila 'yong tungkol sa sexuality ko?

Naalala ko tuloy 'yong kunwari niyang kinanta no'ng hinatid nila 'ko sa condo ilang linggo na ang nakakaraan. Naalala ko, minura pa 'ata siya ni Ron no'n. Ngayon lang pumasok sa isip ko 'yong title.

Torpedo nga pala 'yon.

'Tang ina.

Bahala na.

Basta, wala akong balak buksan 'yong topic na 'yon. Pero, wala rin akong balak magsinungaling kung sakaling sila ang magsimula. Obvious naman na sa naging reaction ko kagabi 'yong totoo e.

Bahala na lang din sila.

Buong practice, sobrang pure business lang kami. Panibagong gamayan kasi ang nangyari. Mostly, galing sa part ko, dahil hindi naman talaga kasi ako tumutugtog. Pero, dahil marunong naman ako at kabisado ko naman na kung ano dapat 'yong tunog namin, pinipilit ko namang makasabay. Tinuturuan ako no'ng kambal kung kailan papasok—dahil hindi ko naman daw kailangang maggitara buong kanta—at kung pa'no gamitin 'yong mga effects. Nagkasundo rin kaming mga recycle muna ang tutugtugin namin para magkasanayan muna. Saka na lang kami mag-aaral ng mga bagong kanta.

Pero, ramdam ko, malapit nang mainis si Ron sa 'kin. Ngayon lang kasi kami nakarami ng practice kada isang kanta. Pakiramdam ko, ang tanging nakapagligtas lang sa 'kin sa pambubulyaw niya, 'yong pagkakagusto niya sa 'kin.

Hiyang-hiya ako, sa totoo lang.

Napagkasunduan naming sabihan si Yuri na 'wag munang maghanap ng bagong gig. Sa 220 na lang muna kami. 'Yong Monday at Tuesday na off sana namin, gagamitin din muna namin para mag-practice lang nang mag-practice tumugtog.

Buti na lang, nang sabihin kong alas kwatro ng hapon na lang sana kami magsimula, pumayag naman silang tatlo. At least, sakto lang 'yon sa oras ng pagpasok ni Mark sa trabaho.

Bago 'ko umuwi kinagabihan—halos limang oras rin kaming nag-jam—hindi ko kinalimutang bitbitin 'yong pinapahiram ni Bon sa 'kin na isang amplifier at isang headphones para raw makapag-practice ako nang sarili ko lang sa condo. Pero, no'ng nakasakay na 'ko sa Uber pauwi, saka ko lang napagtantong hindi pa pala naming apat napag-uusapan nang seryoso ang tungkol sa kung ano nga bang future ang gusto namin para sa banda, ngayong aalis na si Bryan.

Kung pare-parehas pa ba talaga naming gusto ng future para sa banda namin.

Pagkarating ko sa condo, pagkagaling sa madugong practice na 'yon, pinagalitan naman ako ni Yuri. Nagsasayang daw kasi ako ng pera e pwede ko naman daw hiramin 'yong mga gitara ni Bryan—isang napaka-out of place niyang comment dahil sa 'ming dalawa, siya itong napakagastos. Pagalitan ko nga rin.

Ang kaso, walang talab.

Hindi na kasi niya 'ko tinigilan sa pakikipag-ayos kay Bryan. As if naman ako 'yong may kasalanan. Saka, ano naman kung natatakot siya sa 'kin? Dapat lang, 'no. Kung no'ng gabing 'yon ako 'yong nasaktan, ngayon, mas ramdam ko 'yong kagustuhang manapak.

Pero, syempre, mahina lang.

"Her flight came from Miami," sabi ni Yuri. "Wonder what she did there."

Bumuntong-hininga lang ako't hindi sumagot.

Kinakabahan kasi 'ko e.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita ko ang nanay ko, laging may kung anong kaba sa dibdib ko. 'Yong para bang lagi akong may nagawang mali 'yong pakiramdam. Hindi pa naman niya 'ko napapagalitan nang matindi kahit kailan, kaya—ewan ko ba—sobrang weird lang talaga. Simula magkaisip ako, gano'n na 'yong alaala ko tungkol sa kanya.

Kaya ngayon, kinakabahan na naman ako. Lalo na, syempre, kagaya ni Papa, doon ko rin siya patutuluyin sa condo ko. Ayaw ko sana, dahil nga sa pakiramdam ko sa tuwing nandiyan siya, kaso ayaw ko rin namang magmukhang masamang tao. Kaya, ngayon pa lang, pinaghahandaan ko na ang isang nakaka-suffocate na ilang mga araw—kung ga'no man katagal ang plano niyang mag-stay.

"Kuya, could you please stop sighing?"

Napabuntong-hininga 'ko. "Pinagsasabi mo."

"That!" sabi niya. "Ya know, exhaling like you got the weight—"

Marahan ko siyang binatukan. "Dude, I know what sighing is. I just—I don't—I don't really feel good about this," sabi ko. "I wish...." Bumuntong-hininga ulit ako.

Bahagya siyang tumawa. "You wish he was here, don't you? Bryan?"

Tumango ako at muling bumuntong-hininga. "He knows how to talk to your mom."

Ako naman ang binatukan niya ngayon.

"She's your mom too."

Pero, totoo 'yong sinabi ko. Kuhang-kuha kasi ni Bryan 'yong loob ni Mama e. 'Di ko nga ma-gets kung bakit. Napakaungas kasi no'ng taong 'yon. Kumbaga sa aso, hindi pa potty-trained. Kahit 'andiyan si Mama, minumura 'ko no'n. Hindi naman daw niya sinasadya, pero kahit na.

Samantalang pagdating sa mga pag-uugali namin ni Yuri—lalo na sa 'kin—napakahigpit ni Mama.

"Hay buhay."

"Dude, play a game or something."

"Yuri," bulong ko.

"What?"

"Sana sumama na lang ako kay Mark."

Bakit kasi sa dinami-rami ng araw, ngayon pa naisipang umuwi ni Mama? At bakit obligado akong maghintay sa kanya?

"Nakaka-miss din pala 'yon."

Tumawa si Yuri, kasabay ng pagsisimula ng pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yon sa kanya. Pero, kahit papa'no, nabawasan naman 'yong stress na nararamdaman ko.

"Bryan made a bet with me and, um... ah, no. On second thought, I don't think I should tell you what it is about. Yet."

"You and Bryan?" Iiling-iling ako. "I can guess, mga 'tang ina n'yo."

"Just so you know, it's for a thousand."

"'Tang 'na n'yo."

Mga thirty minutes pa kaming naghintay ni Yuri pagkatapos lumapag ng sinasakyang eropolano ni Mama bago namin siya namataang naglalakad palabas ng Arrivals. Nilapitan naman namin siya agad at pagkatapos ay parehong bumeso sa kanya. Isang taon mahigit pa lang mula no'ng huli ko siyang nakita pero parang sampung taon na ang itinanda niya mula no'n.

"Ma," awkward kong bati, bago kunin 'yong hinihila niyang malaking suitcase.

Nginitian niya kami. Halatang pagod, pero totoo naman 'yong ngiti niya. "Kumusta kayo?"

"We're good. Really, really good! We eat salted eggs three times a day, everyday. So, yeah, we're good!"

'Di ko napigilan 'yong tawang biglang lumabas sa bibig ko. "Sabi mo favorite mo?"

"See? He's knows how to laugh now," sabi ni Yuri habang tinatapik-tapik ako sa likod. "We're totally fine."

"Tss, tigilan mo nga 'ko."

Umiling lang si Mama. "Hay, sige na, tara na. Kumain na muna tayo bago 'ko mag-check in."

Saka siya nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng parking lot kasabay ni Yuri, habang nakasunod naman ako sa likod nila hanggang sa marating namin 'yong van, tahimik, hila-hila 'yong may pagkamabigat na maleta ni Mama, at nag-iisip kung pa'no sa kanya iaalok 'yong condo ko. Malinis naman kasi 'yon. Nilinis namin ni Yuri.

"Ah, Ma—"

"Kanino 'to, Anak?"

Kaming dalawa pa lang ang nasa loob, habang ipinaayos ko naman kay Yuri 'yong maleta sa likod. Ini-start ko na kasi agad 'yong van pagkarating namin at itinodo 'yong air con para kay Mama. Alas diyes pa lang ng umaga, pero parang alas dose na 'yong init.

"Kila Bryan po, Ma."

"Oh, nasa'n 'yung best friend mong 'yon?"

"Busy lang po."

"No, he's not," sabat ni Yuri mula sa likod. "Away sila, Ma."

"Tss." Sumbungero, 'lang 'ya. "Um, Ma"—saglit akong nag-hesitate—"pwede ka naman po du'n sa condo ko. Tabi muna kami ni Yuri habang 'andito ka."

Tumango siya. "Mamaya na, Yuan. Pagkakain, pag-usapan naten. Halos buong flight tinulugan ko lang kaya gutom na gutom na 'ko."

Dahil kainan ang usapan, si Yuri syempre ang nasunod. Kaya, sa pinakaunang Shakey's pa lang na nakita niya pagkalagpas namin ng Duty Free, pina-U-turn niya na 'ko. Niloloko ko nga no'ng una, tinuturo ko 'yong mga karinderya sa tabi ng kalsada, sinusumbong ba naman ako kay Mama. Parang bigla na lang siyang bumalik sa pagkabata e, 'yong ungas na batang masarap batukan sa kakulitan. Buti na lang talaga, hindi Jollibee ang hinahanap niya dahil nagsasawa na talaga 'ko do'n at baka nabatukan ko na talaga siya.

No'ng una nga, hindi ko ma-gets kung bakit parang ang hyper bigla ng kapatid ko. Sa dalawang linggong nagkasama kami—magkatabi pa nga kaming natutulog no'ng unang anim na araw e—hindi naman kasi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya. Kung tutuusin, para ngang mas mature pa siya sa 'kin mag-isip e. Pero na-realize ko habang nilalantakan 'yong spaghetti, inaaliw lang pala niya 'yong sarili niya.

Pagkakita ko pa lang kasi kay Mama kanina, alam ko na agad na hiwalay na sila ni Papa.

Oo, may kaunting lungkot, pero hindi naman ako masyadong naapektuhan. Mabilis ko nga iyong naisantabi e. Hindi iyon tumambay sa utak ko. Hanggang sa ngayong nahalata ko na ngang iba na ang inaakto ng kapatid ko.

Hinagod-hagod ko 'yong likod niya at tinapik-tapik.

"Yuey, uh—"

Tumingin ako kay Mama.

"—sa B Hotel n'yo na 'ko ihatid pagkatapos, ha? Sa may Madrigal. Bayad ko na kasi 'yun e," sabi niya. "Doon na rin tayo mag-usap sa hotel para, um... mas private."

"Sige po."

At least, hindi ako makakaramdam ng awkwardness sa sarili kong bahay.

Sumipsip siya ng iced tea bago ngumiti sa 'min mula sa kabilang side ng table. "I'm glad na okay na kayong magkapatid. I was worried."

Nagkatinginan kami ni Yuri. Gusto ko sanang isumbat na kasalanan naman nila 'yon pero, naisip ko, masyadong napakaaga pa ang oras ngayon para sa drama. At saka, siguro naman, alam nila 'yon.

"Matagal na po kaming okay, Ma."

Ngumiti lang siya bilang sagot.

Hindi niya lang alam, blessing in disguise sa 'ming magkapatid 'yong ilang buwan nilang pag-aaway ni Papa.

Pagkarating namin sa hotel, pinayagan naman siyang mag-early check-in nang walang additional charge, kaya inihatid na namin siya agad sa kwarto. Isang maleta lang naman ang dala niya e. Mabigat, oo, pero isa lang naman. Agad na naupo si Yuri sa kama, hindi mapakali, obvious na atat na atat nang marinig kung anong sasabihin ni Mama sa 'min. Pati ako, nadadamay na rin sa pagkaatat niya.

Bahagyang natawa lang si Mama sa asal niya, bago bumuntong-hininga, sumulyap sa 'kin, at saka naupo sa tabi ni Yuri. Itinuro niya 'yong upuan sa harap ng desk.

"Yuey, you should seat," sabi niya, at sumunod naman ako. Huminga siya nang malalim. "Pasensya na kayo, ha? Gulong-gulo lang talaga 'ko ngayon

"Yuey, actually, bumili kami ng Papa mo ng unit 'jan sa Avida bago ka maka-graduate sa highschool. Ibibigay sana namin sa 'yo bago ka mag-college kasi parang ayaw mo talaga pumunta ng Canada e. Kaso, naunahan na kami ni Mama. Hindi kami sinabihan."

Ilang hakbang lang 'yong Avida mula sa B Hotel. Katabi lang din 'yon ng Alabang-Zapote Road. Kung ikukumpara, mas okay 'yong location no'n kaysa sa Metropolis, kung saan ako nakatira ngayon. Pero—siguro nasanay na lang kasi talaga 'ko—mas gusto ko sa Metropolis. Para sa 'kin kasi, 'yon na 'yong home ko e.

Nagkatinginan kami ni Yuri, parehong kunot ang noo't nakaangat ang parehong kilay sa pagtataka.

"Bare pa 'yon, kaya dito muna 'ko sa hotel habang inaayos ko 'yon."

Para saan?

"Kung okay lang sa 'yo, ako muna gagamit no'n."

"Ha? Ah, uh, Ma, ayos lang po. I mean, inyo naman po 'yon."

Tumango siya. "'Yung papa n'yo.... We were supposed to meet in Miami for business. He didn't show up. Nag-send lang s'ya sa 'ken ng—ng note." Hinalungkat niya 'yong bag niya at humugot ng isang puting sobre, 'yong parang kasing laki no'ng sa mga cards ng Hallmark. Iniabot niya 'yon sa 'kin. "Kasama 'yan. Ibigay ko daw sa 'yo."

Kinuha ko 'yong sobre. Selyado 'yon, parang birthday card ang laman, at tanging pangalan ko lang ang nakasulat sa likod.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.

As in sobra-sobrang kaba.

Para kasing, unti-unti, may nabubuong kutob sa dibdib ko. Unti-unti, nagkakabitak 'yong nararamdaman kong seguridad. Unti-unti, kung ano-anong pagdududa ang nagsusulputan sa imahinasyon ko.

Saglit akong pumikit at bumuntong-hininga.

Binuksan ko 'yong sobre, at—medyo tama ako—card nga 'yong laman no'n. Isa iyong post card na may picture ng sunset sa isang beach kung saan. Hindi eksaktong lugar kundi Cayman Islands lang 'yong nakalagay na pangalan do'n. Binaligtad ko 'yong card at nakitang may isinulat do'n si Papa para sa 'kin.

Natulala ako.

Paulit-ulit ko 'yong binasa habang unti-unting naninikip ang lalamunan ko, umaasang mali lang talaga 'ko ng pagkakabasa no'ng una, pangalawa, pangatlo, at pang-apat. Binasa ko ulit 'yon, umaasang magbabago pa 'yong mga nakasulat do'n.

Sa sobrang paninikip ng lalamunan ko, halos hindi na 'ko makahinga.

Napahikbi ako at, isa-isa, nagsituluan ang mga luha ko sa post card. Sunod-sunod.

'Tang ina.

Putang ina.


   
Buy Me A Coffee