31
"P're, ang drama mo talaga."
Hindi ko siya pinansin.
'Tang ina ba niya? Ta's tatawagin niya pa 'kong madrama? 'Tang ina.
Nanatili lang akong nakapangalumbaba at nakatitig sa Taal. Mag-aalas tres ng hapon at walang hamog kaya maganda 'yong view ko. Hindi rin gano'n karami ang tao at solong-solo ko 'tong gazebo ngayon sa People's Park—lahat kasi ng lumalapit ay tinitignan ko nang masama.
Hanggang sa may dumating na ngang ungas.
"Alam mo bang kagabi pa 'ko paikot-ikot sa mga tambayan naten? 'Tang ina, Yu, pagod na pagod na 'ko. Baka pwedeng ikaw naman mag-drive pauwi?"
"Tss." Napailing ako. "Sino nagsabing hanapin mo 'ko?"
"'Di lang naman ako 'yung naghahanap, 'no. Ako, 'yung kapatid mo, nanay mo, 'yung kambal, si Chester, boyfriend mo."
Napakunot ako ng noo, napatingin sa kanya. "Umuwi si Mark?"
"E 'di ka umuwi kagabi e. Ta's patay pa phone mo. Nag-panic si Yuri, tinawagan."
"Tsk."
"Kaya sa susunod, 'wag basta-basta maglalayas."
"Fuck you! Anong naglayas? Ba't ako maglalayas, e may sariling bahay ako? Gusto ko lang mapag-isa. 'Tang ina mo kasi e. 'Tang ina n'yo!" Walang pasabing nangilid ang luha sa mga mata ko at agad ring bumagsak.
Ngumiti siya nang malungkot kaya nag-iwas ako ng tingin, nagpahid ng luha, at muling tumitig sa bulkan sa malayo.
"'Wag ka magalit sa kapatid mo. Nakalimutan lang daw niyang nasa probinsya si Mark. E kaso 'yung boyfriend mo naman—" Bahagya siyang tumawa. Nang hindi ko na talaga siya inimikan, bumuntong-hininga siya at saka umupo sa harap ko sa kabilang side ng table. "Yu... hindi lang naman ikaw nahihirapan e. Pera lang 'yan. Ako—"
"Hindi lang naman 'yung pera 'yon, Bry." Naluha ulit ako. "Wala nga 'ko masyado pakialam du'n e. Kilala mo naman ako. Mahihirapan ako, oo, pero para kasing ultimate back stab 'yung ginawa sa 'kin e. Ta's, tatay ko pa? 'Tangina, alam mo ba kung ga'no kasakit 'yon? Matatanggap ko pa siguro kung sa Tondo siya nagtago, e bakit sa Carribean pa? Ano 'yon? Tapos ang dami nang nangyayari, ibinenta na pala nila 'yung business nila, hindi man lang kami sinasabihan? 'Tang ina naman, P're."
Tapos, aalis ka pa, gusto ko sanang idugtong.
Bumuntong-hininga siya at naupong patalikod sa 'kin, paharap do'n sa bulkang walang pakundangan sa mga tao sa paligid niya at bigla-bigla na lang kung pumutok. Pero ngayon, payapa iyon ngayon. At na-realize ko, para palang Taal si Bryan. Kaya—siguro—isa 'to sa mga lugar na paborito niyang puntahan.
Ang tagal naming natahimik. 'Yong mga ibon at mga nagsisigawang bata lang sa paligid ang tangi kong naririnig. Sa tagal na 'yon, nang muli siyang naupong paharap sa 'kin, alam ko—naramdaman ko—nawala na 'yong sama ng loob ko sa kanya.
"Sorry pala, P're," sabi niya sa mahinang boses. "Hindi ko.... Sobrang galit lang talaga 'ko no'ng Friday ta's sa 'yo ko, ano, nabunton 'yung galit ko. Pero, hindi ako galit sa 'yo, sa inyo, P're. Sorry talaga. Kung gusto mo, ubusin mo 'yung pera ko, gawin mo 'kong driver, tagalinis, alalay. Alipinin mo ko hanggang sa pag-alis ko para makabawi ka. 'Wag ka lang magpapachupa."
'Di ko napigilang mapahagalpak ng tawa. "'Tang ina mo."
"Oh, okay na tayo, ha? Tumawa ka na."
"Anong okay? Uubusin ko pa pera mo, 'di ba? Ta's driver pa kita saka katulong? 'Tang ina, Bry. Lintik lang ang walang gante."
"'Wag naman lahat ng pera ko. Chupain na lang kita?"
Napailing ako, tatawa-tawa sa mga pinagsasabi niya. "'Tang ina mo, kadiri ka."
"Kapal mo, ah? Ikaw pa luge?"
"Tigilan mo nga 'ko. Umuwi ka na. Bukas na lang siguro 'ko."
"Tapos, ano? Bibili ka na naman n'yan?" tanong niya habang nakaturo sa suot-suot kong T-shirt na "I heart Tagaytay".
"E ito lang meron sa malapit nu'ng tinulugan ko e."
"'Di ba dapat nagtitipid ka na ngayon?"
Tinignan ko siya nang masama, bago napabuntong-hininga at muling tumingin sa Taal sa malayo. "I was thinking... 'yung sinabe ni Ms Sheila, 'yung may gusto daw kumuha sa 'king label." Umiling ako. "Ayo' ko sana, pero...."
"'Wag, P're. 'Di ka tatagal do'n."
"Tss. Ikaw nga natatagalan ko e."
"Iba naman ako, 'no! Puro pokpok mga tao do'n. Gagawin ka lang din pokpok do'n."
"Tsismoso ka na, judgmental ka pa."
"Totoo naman 'yon. Pero syempre titigil ka na rin 'pag, one"—nagtaas siya ng hintuturo sa harap ko—"marami ka nang pera; two"—nagdagdag siya ng isa pang daliri—"matanda ka na; or three"—nagdagdag pa ulit siya ng isang daliri—"mataba ka na. O kaya, bigla kang mamatay—"
"'Tang ina mo."
"—pero 'yung mga katulad mong gipit, bata, at pogi"—tumawa siya nang nakakaasar—"'di ka lang chuchupain du'n, pachuchupain ka rin ta's kakantutin ka pa sa pwet."
Napabuntong-hininga 'ko. "Napaka walang kwenta mong kausap."
"Baket, mga bottom lang ba may pera? Mga top den, 'no! Kung ako sa 'yo—kung talagang gusto mong kumita ng pera—pumunta ka na ng Canada. Tutal, Canadian ka naman. At least, nasa isang continent lang tayo. Mas madaling magkita kung sakale. O kaya, gawa ka ng sarili mong channel sa YouTube. Puta, P're, gayahin mo kapatid mo." Humalakhak siya. "Nakikitira sa 'yo kahit marami naman s'yang pera."
"Ayo' ko, Bry," sagot ko. "Baka isipin nila Chester iniiwanan ko sila."
"'Di mo nga naisip 'yan nu'ng inisip mong pumasok sa showbiz e."
"Ayo' ko naman kasi talaga du'n, P're, pero sa'n naman ako hahagilap ng kwarenta mil kada b'wan? 'Tsaka 'tang ina ka, ang dami mong alam sa kabaklaan."
Tumawa siya nang malakas. "Syempre! Minsan kase, makikipag-usap ka rin sa mga tao. 'Tang ina ka e. 'Di naman na taboo 'yang mga ganyan ngayon. 'Tsaka, P're, 'di ba may kikitain ka pa naman sa resto?"
"Oo, pero...." Napabuntong-hininga ko, napatitig sa kanya, napakamot ng ulo. "'Di ko naman kasi alam kung magkano 'yon."
"Kita mo na. E di hintayin mo muna, ta's saka ka magdesisyon. 'Wag ka padalos-dalos."
Oo nga. Dahil sa kadramahan kahapon, nawala na sa isip kong may porsiyento pa nga pala 'ko sa kinikita no'ng 220. Ang tanging nasa isip ko lang kasi, nalagasan ako ng isang milyon nang gano'n-gano'n lang. Ang hirap din kasi sa isip no'ng may malaki akong utang na maaari kong ikakulong. At least, ngayon, kahit papa'no lumuluwag na 'yong hininga ko. Medyo nakakakita na 'ko ng liwanag.
"Speaking of," sabi ko, "na-meet mo na ba si Hannah? S'ya pala 'yung bagong accountant sa Two-Twenty."
"Wala 'kong pake sa babaeng 'yon. Ikaw lang naman 'yung patay na patay du'n e."
"Tss." Napakamot ako ng ulo. "I was just saying."
"I was just saying," panggagaya niya.
"'Tang ina mo, Bry, ikaw nga 'yung deads na deads do'n nu'ng una."
"'Di 'ah! 'Tsaka dahil sa kanya, nasira 'yung banda naten kaya kung may deads man, s'ya 'yon. She's dead to me."
Napailing na lang ako't natawa bago saglit na natigilan at napakunot ng noo. "Anong dahil sa kanya?"
"Sino ba 'yung mahilig magsabi ng 'banda o ako' kaya lagi tayong 'di makapag-practice no'n?" may bahid ng sama ng loob niyang tanong sa 'kin. "'Tsaka, may kinwento pa sa 'kin si Thor."
Nagkatitigan kami ni Bryan—matagal—bago ako muling nagsalita. "Matagal mo nang alam?"
Umiling siya. "Last week lang. Nasabi lang ni Thor. Nag-message ka daw kasi sa kanya e."
"Tss. 'Di nga niya sini-seen."
"Magre-reply din 'yon," tatawa-tawang sabi ni Bryan. "Sinabi ko may boyfriend ka na e."
Naramdaman kong nag-init 'yong mga pisngi ko. "Anong sabi n'ya?"
"Uuuuy! Curious s'ya." Sabay halakhak.
"'Tangina mo, 'wag na nga." Napailing ako. "So, ikaw. Ano naman problema mo? Ba't 'di ka nagsasabi? Ta's bigla-bigla na lang...."
"E kasi, parang... alam mo 'yon? Parang...." Hinilamos niya ng palad 'yong mukha niya't bumuntong-hininga. "Ang saya mo kasi nu'ng Friday, P're. Actually, lately, ang saya mo na. E ayo' ko lang sana bumawas do'n. Kaso, ganu'n din 'yung nangyari e. Si Mommy kase, Yu, may colon cancer. Stage three. Nu'ng Friday lang din nila sinabi sa 'ken—kaka-diagnose lang din kase. Kaya kame pupunta sa States, mas confident daw kase sila magpagamot do'n. Ako 'yung mag-aasikaso sa kanya do'n, kase si Dad, hindi naman pwedeng umales basta-basta."
Natahimik na naman kaming dalawa.
Kaya pala gano'n na lang niya kadaling binitawan 'yong pangarap niya. Kahit naman kasi napakareklamador na anak niyan ni Bryan, alam ko namang mahal na mahal niyan 'yong parents niya.
"Bakit kase 'di mo na lang sinabi nang diretso?"
"Ewan ko. 'Di ko alam. 'Tsaka, ang hirap din kase sabihin e. Gusto kong sabihin pero nag-cho-choke ako. Parang—ewan—parang nagiging totoo. Parang—basta. Mas madaling magsabi na lang ng kung ano-ano. 'Tsaka—alam mo 'yon?—bigla kase nagulo 'yung lahat e. Alam mo 'yung kahapon lang malinaw pa yung mga plano ko sa buhay, tapos bigla na lang, kailangan baguhin ko lahat 'yon? 'Di naman ako makapagreklamo kase alam kong tama lang na 'yun ang gawin ko. 'Tang ina, P're, para 'kong nabudol ng isang milyon."
Napailing ako. "'Tang ina ka, seryosong usapan, nasingit mo pa 'yon?"
"Peace!" Ngising-ngisi siya habang naka-peace din 'yong kanang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Pero parang okay naman si Tita?"
"Akala ko nga rin e." Nagkibit siya ng balikat. "Pero ewan. Malas lang dahil—'yun nga—stage three na nu'ng na-detect."
"Alam mo," pagbabago ko sa usapan, "may kasalanan ka pa sa 'ken."
"Ano na naman?"
"Sinabi mo sa kanila 'yung tungkol sa ano, sa"—napakamot ako ng ulo—"tsk, 'wag na nga."
"Ano? Na bakla ka?" Tatawa-tawa siya. Umiling lang ako. "'Di ko naman sadya 'yun, P're. Nadulas lang ako. Ang kulit kasi ni Ron e, 'tsaka napakamanhid mo kase. Kawawa naman 'yung torpeng 'yon; para lang mapansin mo, nagpa-semikal pa."
"Tss, ako pa sinisi e."
Ngumisi siya. "Wala ba pag-asa?"
Matagal kaming nagtitigan bago ako umiling at napabuntong-hininga. "Friends lang talaga tingin ko kay Ron. 'Tang ina, ang awkward na nga ngayon e."
"'Kala ko pa naman nasa buhok ang sikreto."
Natawa 'ko. "Kaya pala bigla na lang nagpakalbo 'yon. Sablay mo talaga magpayo e, 'no?"
Tumawa rin siya. "Tignan mo naman kasi mga ulo ni Thor at ni Mark. 'Tang ina, fetish tawag d'yan, P're."
"Gago."
Sa sinabi niya, may pumasok sa isip kong matagal ko nang ikinaku-curious.
"P're," sabi ko.
"Oh."
"Seryosong tanong."
"Ano nga?"
"Nakakahiya kasi e."
"Pu. Tang. Ina."
Napakamot ako ng ulo't napabuntong-hininga. "Pa'no kaya, ano, mag-sex 'pag ano, 'pag parehong, ano, lalake?"
"'Tang ina mo ba? Ba't ako tinatanong mo? 'Tang ina naman, Yuan! Manood ka ng porn, putang ina!"
Natawa 'ko sa kanya. "Galit agad? Ikaw 'yung maraming alam sa kabaklaan 'jan e. Nako, konti na lang iisipin ko nang internalized homophobia 'yan."
"Sino bang 'di iinit ang ulo sa tanong mo?"
"Si Mark"—binatukan niya 'ko—"aray, putek! Masakit 'yun ah!" Ginantihan ko siya.
"Parang tanga kase, kunware 'di alam. Parehas lang 'yon! Parehas lang butas 'yon. Pero 'wag mo na isipin 'yon dahil ikaw naman 'yung bottom." Sabay halakhak. "Mukhang daks pa naman 'yun si Mark," dagdag pa niya habang tatawa-tawa.
Kahit ako, nahawa na sa katatawa niya, kahit na ang gusto ko talagang gawin ay bigyan na siya ng isang sapak sa mukha.
"Alam mo, naniniwala na talaga 'ko, ikaw 'yung bakla sa 'ting dalawa. Feeling ko B.B.C. lang talaga punta mo du'n sa States. Lalayo ka pa, e ang dami naman Nigerian sa school."
"Ulol, Yuan, ang waley!" Tawa siya nang tawa, habang pinipilit ko namang hindi maasar. "Itong si Pareng Mark, napakabagal din kasi e. Mukhang kailangan pa ng Yuan one-oh-one."
"'Tang ina mo, tigilan mo na nga 'ko."
Ngumisi siya sa 'kin, pero wala na 'yong pang-aasar do'n sa mga mata niya. "So. Si Mark na ba talaga?"
Nagkibit-balikat ako. "Ewan. L.D.R., P're? Pero, ewan. He's"—bahagya 'kong natawa—"he's my happy pill.... Siguro, kaya 'yun ang trabaho niya, kasi ano, bawal talaga sa 'ken 'yung too much of anything too good. Baka kung araw-araw ko 'yon kasama... ewan. Pero, P're. Lagi na lang kasi gan'to. Parang bawal masaya araw-araw?"
Naalala ko 'yong mga panahong kakakilala pa lang niya sa 'kin no'ng first day ng high school at natakot pa 'kong maulit na naman 'yong mga panunukso sa 'kin no'ng elementary na hindi ako mahal ng mga magulang ko—'yon kasi 'yong itsura ng mukha niya no'n, mukhang bully. Pero, sabi niya sa 'kin no'n, 'wag daw akong malungkot kasi pogi naman daw ako, kulang lang talaga sa salsal.
Katulad no'ng mga panahong 'yon, natawa 'ko. 'Di ko napigilan.
"Hoy, Yuan. I-share mo 'yan kung ano man 'yan."
Napailing ako, natatawa pa rin. "Naalala ko lang kase 'yung nagkakilala tayo. Alala mo pa ba 'yung sinabi mo sa 'ken no'n?"
"'Tang ina." Ngumisi siya. "Eight years na 'yon pero 'di ko makalimutan. Ikaw lang 'yung pinapatawa ko e, pati 'yung katabi mo tumawa den. Tsismoso talaga e."
Si Thor 'yong katabi ko no'n. Alpahabetical kasi ang pagkaka-assign sa 'min ng upuan no'ng teacher, kaya napagigitnaan nila 'ko—Tan, Tercias, at Teroy. Siguro, wala na lang talagang choice no'n si Thor kun' 'di makisali sa usapan namin dahil siya na ang nasa pinakadulo ng row namin.
"Naalala ko lang kase"—napabuntong-hininga 'ko—"du'n 'ata nag-turn around 'yung buhay ko."
"Oy, oy, tinatanong ko lang kung si Mark na talaga. 'Wag ako, P're. 'Di ako chumuchupa."
"'Tang ina mo talaga."
Marahan niya 'kong binatukan. "Gets ko naman. 'Tsaka, saglit lang naman kami do'n—sana. 'Tsaka, 'wag ka mag-alala, pauuwiin ko si Thor."
"Tss. Kahit 'wag na."
"Bahala ka sa buhay mo." Iniabot niya sa 'kin 'yong susi ng kotse niya. "Tara na. Seryoso, P're, pagod na 'ko mag-drive."
"Tss."