20
First time kong magsangla sa buong buhay ko. Hindi naman kasi ako kinakapos sa pera at sunod naman ang layaw ko kahit papa'no. Pero, iba ngayon. Gustong-gusto ko talaga bigyan ng regalo si Huget. Hindi ko lang alam kung ano.
Naglakad-lakad ako, nagpalinga-linga ng tingin. Ang daming pwedeng bilhin pero wala akong makitang pwedeng ibigay kay Kevin, hanggang sa mahinto ako sa isang silver shop. Maganda ang tindahan kaso marami lamang tao. Marami ring empleyadong agad tatanggap sa 'yo.
"Sir, para kanino po?" bungad ng sales lady.
Wala akong masabi.
"Sino po ba pagbibigyan, Sir?"
Parang inulit lang niya 'yong tanong kanina.
"Someone special," sabi ko.
"Wow! Swerte naman niya, Sir."
Kagaling lang mambola.
Dinala niya ako sa bandang harapan kung saan naroroon ang pinakamagaganda at pinakamamahal na desenyo.
"Miss, pwede bang personalized? Gusto ko kasi lagyan ng itinials."
"Yes, Sir, pwede po. Maghihintay lang po kayo ng konti. Ano po bang klaseng silver?"
"Bracelet."
Isa-isang kinuha ng sales lady ang mga sinasabi niyang magagandang disenyo pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang simpleng bracelet na hindi naman kalakihan. Tamang-tama lang 'yon para kay Kevin.
"Sir, sigurado ka na dito?" tanong niya.
Nagtataka siguro siya dahil mukang hindi naman pambabae 'yong napili ko.
"Yes," sagot ko.
"Sir, ano pong design yung gusto niyo ipagawa?"
"Gusto ko lang palagyan ng itinials. Two letters lang. Bahala na kayo kung anong magandang design para du'n."
"Sir, ano pong initials gusto niyo?"
M|K. Sinulat ko pa sa isang maliit na papel.
Mabilis lang naman ginawa. Wala pang ten minutes.
"Sir, nagustuhan niyo?"
"Yup."
"Todo ngiti ah. I'm sure magugustuhan 'yan ng girlfriend mo."
Hindi ko na siya pinansin. Tinawagan ko na si Kevin para mabilis. Baka kasi hindi agad mabasa 'yong text ko.
Kevin... saan ka?
Nandito na sa kotse. Saan ka para mapuntahan kita?
Hindi na. Ako na lang pupunta 'jan.
Sure ka?
Yep.
Malayo pa lang, nakita ko na si Kevin. Nakatayo lang siya sa harap ng kotse niya, nakapamewang.
"'Musta paglilibot?" tanong niya.
"Sino naman nagsabi na naglibot ako?"
"Wala lang. Ano naman ginawa mo kung hindi ka naglibot?"
"Wala lang. May mahalaga lang akong ginawa."
"Mukhang mahalaga nga kasi hindi mo ako sinama eh."
"Sus. Tara na?"
"Oo nga, gumagabi na. Lumalamig na."
"Saan nga pala tayo next?"
"SM Baguio."
"'Wag na tayo magluto sa bahay, ha? Du'n na lang tayo sa mall kumain," sabi ko. Baka kasi magluto na naman siya ng walang kamatayang adobo.
"Yes, Boss."
"Ang ganda ng place, 'no?" tanong niya habang nakaupo kami sa gilid ng mall. Isang maliit na restaurant sa taas ng mall na overlooking sa buong siyudad. Ang daming lights. Ang ganda ng view. Pamatay.
Tumango lang ako.
"Enjoy ka ba?" tanong ulit niya.
"Oo," maikli kong sagot.
"Good. Order na tayo. Nagugutom na ako."
Sa bahay, habang nag-aayos ng mga gamit.
"Kevin."
"Oh."
"May sasabihin sana ako sa 'yo."
"Ano 'yun?"
"'Wag ka magagalit."
"Ano nga 'yun?"
"'Wag ka muna magagalit."
"Sige. Ano 'yun?"
"Kanina, nu'ng humiwalay ako sa 'yo."
"Bakit?"
"Sinanla ko kasi yung iPod ko."
"Ha? 'Di ba nga sabi ko ako bahala sa 'yo? Bakit kailangan mo pa magsanla?"
Patay, galit na 'ata.
"May gusto kasi akong bil'in."
"'Yun naman pala e. Nakakatampo ka naman. Nandito lang naman ako."
"Iba kasi 'to, Kevin."
"Mukha nga. Mukhang sobrang importante sa 'yo."
Nagtampo pa si loko. Kung alam lang niya. Ang pangit naman kung hihingi ako ng pera sa kanya para ibili siya ng regalo. Nahihiya ako na ilabas sa bulsa ko ang regalo ko para sa kanya. Hindi ko alam kung paano 'yon ibibigay. Natawag ko na 'ata lahat ng santo para tulungan ako na magkalakas ng loob.
"Kevin."
"Ano na naman?"
"'Eto oh." Inabot ko sa kanya ang isang maliit na box na kulay blue.
"Ano 'to?" nagtataka niyang tanong.
"Buksan mo," sabi ko.
Binuksan naman niya agad yun. Nagulat siya sa nakita niya. Ilang segundo siyang natigilan. Ako naman ay tahimik lang, kumakabog ang dibdib.
Kinuha niya 'yon at tinitigang mabuti.
"MK?"
"Mark and Kevin," sabi ko.
"Ah..."
"Ano?"
"Salamat."
Hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayari, ang bilis. Hinalikan niya ako sa pisngi. Parang huminto ang tibok ng puso ko. Tinitigan ko lang siya. Pagkatapos ay lumayo ako.
"Oy, Mark."
"Oh."
"Mahal kita."
Napalunok ako. Nabigla ako sa narinig ko.