37


Madalas naman ako maghubad. Sa bahay, sa lansangan kasama ng mga kaibigan, sa basketball court kapag laro-laro lang o nakikipagpustahan. Basta para sa akin, normal lang 'yon sa amin.

Pero, bakit ngayon nahihiya na ako? Dalawa lang naman kami sa kwarto. Si Kevin lang naman ang kasama ko.

Nararamdaman kong parang may humahatak sa akin paatras para tumakas, gaya ng pagtakbo ko no'n sa Baguio. Natakot ako noon. Natatakot ulit ako ngayon. Bahala na nga. Bahala na si Batman.

Sunod kong hinubad ang pambaba kong suot hanggang sa matira na lang ang aking boxer shorts. Napatingin ako kay Kevin. Para siyang binuhusan ng sangkaterbang suka. Namumutla ang kanyang mukha. Pinilit kong 'wag matawa para hindi masira ang eksena naming dalawa.


"Mark, kinakabahan ako," sabi niya.

"Basta sumakay ka lang. Ako bahala sa 'yo."

"Hanep, Mark. Kailan ka pa natutong gumanyan." Nagkaroon na rin ng kaunting pula ang kanina'y maputla niyang mukha.

"Ngayon lang," sagot ko.

Nilapitan ko na siya, hinablot ang kanyang damit na suot, hinubad ang pantaas na saplot. Sa itsura ng kanyang mukha, halatang nabigla siya sa aking mga ginagawa.

Hinawakan ko siya sa dibdib. Pinagmasdan ko siya nang maigi. Hinaplos ko ang kanyang hubad na katawan, mula dibdib hanggang bewang. Umikot ang aking mga kamay hanggang sa kanyang makinis na likuran. Dinama kong mabuti ang kanyang mainit na katawan.

Nararamdaman ko ang kanyang panginginig.

Naririnig ko ang kabog ng kanyang dibdib.

Nagsisimula nang bumigat ang kanyang paghinga, parang malakas na makina.

"Gagawin ko 'to para sa'yo. Dahil mahal kita," bulong ko sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa tenga, sa pisngi, sa leeg, sa dibdib.

Natigilan ako nang hawakan niya ang balikat ko. Bigla siyang tumayo.

"Bakit?" maikli kong tanong.

Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero nakatitig lang siya.

Humakbang siya hanggang sa maging sobrang lapit na naman namin sa isa't isa. Tinulak niya ako. Ang lakas ng kanyang braso. Ako naman ang napahiga sa kama.

Ako ang napunta sa sitwasyong kanina ay sa kanya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang ang kabog ng dibdib niya kanina. Nakakatakot. Nakakakaba.

Lumapit pa siya sa akin. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga sa bigat. Napapikit na lang ako. Napahawak sa bedsheet.

Isang mainit na halik ang dumampi sa aking labi. Mabilis lang 'yon pero nasundan agad. Nasundan ulit at nasundan ng isa pa hanggang sa tumagal na.

Hindi ko man lang naranasan 'to dati, sa iba. Ang lakas ng tama ko sa kanya, kakaiba.

Nakapikit pa rin ako. Ayaw ko kasing makita ng aking mga mata ang mga nangyayari. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi ako makapagpigil. Baka madiskaril ang plano ko.

Gusto ko lang sanang sukatin kung hanggang saan ako dadalhin ng damdamin ko.

Nang makahanap ako ng tiyempo para magsalita... hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa para kumawala.


"Kevin."

"Oh?"

"Tama ka."

"Ha?"

Natigilan siya. Humiga siya sa tabi ko.

"Tama ka kanina sa sinabi mo."

"Na alin?"

"Mag-Jollibee na nga lang pala tayo."

Hindi siya nagsalita. Bigla siyang nawalan ng kibo. Napahiya 'ata siya sa ginawa ko.

"Baka kasi ma-adik ako sa 'yo. Baka hanap-hanapin ko," dagdag ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. Tinitigan ko rin siya habang kami ay nakahiga sa kama. Una siyang ngumiti, gumanti na rin ako.

"May pasok pa tayo bukas," sabi niya.

"'Wag na tayo pumasok."

"Ang dami mo nang absent."

"Marami naman tayo natutunan ngayon. Tssk."

"Gagong Mark."

"Basta, sulitin natin ang gabing ito."

"Loko ka Mark. Kung ano-ano sinasabi mo."

"Hahaha!"

Inabot ko ang damit niya na nasa aking gilid.

"Magbihis ka bilis," sabi ko.

Tumayo ako at kinuha na rin ang aking gamit na nasa sahig. Agad din akong nagbihis.

"May naisip ako. Tssk," dagdag ko pa.

"Ayo' ko na. Uuwi na lang ako."

"'Wag. Maganda 'to."

"Wala na naman kwenta 'yan panigurado."

"Basta, masaya 'to."

"Sige. Ano?"

"Spin the bottle. Tssk."

"Kahilig. Laro ng mga jologs."

"Kung sino ang matapatan ng bote, aalisin niya ang isa sa mga nakasuot sa kanya. Kung sino ang unang mahubaran ng buong katawan, siya ang taya. Siya ang magiging alila. Uutusan buong linggo, plus manlilibre mamaya kay Jollibee kahit anong order ang gusto."

"Dinaan mo na naman sa ganyan Mark. Ang babaw mo. Kung gusto mo maghuhubad na lang ako sa harap mo. Matagal pa 'yan e."

"Lakas."

"Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Oh, hige na. Laruin na 'yan."

Sumalampak kami sa sahig. Gamit ang bote ng coke na walang laman, sinimulan na ang kakaibang laban.

Ako ang unang nagpaikot. Ang swerte ko dahil ako ang buena mano. Shit.

Hinubad ko ang aking damit.

"Kevin, macho 'no?"

Tinuro niya ang sarili niya. "Tinatanong mo ba ako?"

"Oo."

"Pwede na. Pwede nang pagtiyagaan."

"Sus."

Siya naman ang sumunod na nagpaikot. Sa wakas!

Sa wakas sa akin ulit tumapat.

Mukhang mapapaaga 'ata ang bakbakan. Naman!

Hinubad ko ang tsinelas kong bago, na kabibili ko lang noong Linggo.

It's my turn. Hinimas ko muna ang bote, tinitigan, dinasalan. Pinaikot ko ng sobrang bilis. Nagbago din ang ihip ng hangin. Buti naman, sa kanya na tumapat.

Inalis niya ang kanyang hapit na damit.

Sa kanya ulit ang bote. Pinaikot. Sa kanya ulit tumapat.

Tsinelas ang kanyang hinubad.

Ako ulit ang tanggero—este, bangkero. Siya ulit ang tinapatan ng bote. Kawawa naman ang loko.

Hinubad niya ang kanyang shorts.

Pinaikot niya ang bote. Muling bumalik sa akin.

Inalis ko ang baller ko.

Buti na lang, mayro'n pa 'ko.

Ako ulit ang nagpaikot. Anak ng tinapa, bakit ako pa.

No choice, shorts ko na lang ang natitira bago ang huling birada.

Wala na kong pupuntahan. Isang ikot na lang yari na ang laban. Siya may natitira pang bala. Meron pa siya suot na bracelet na bigay ko sa kanya.

Siya ang nagpaikot. Siya rin ang tinapatan. Tahimik lang siya, mukhang nag-iisip nang malalim.

Ilang sandali pa, napansin kong aktong huhubarin na niya ang kanyang brief.

"Oh, oh. Teka. 'Di ba may bracelet ka pa?"

"Hindi ko pwede alisin 'to."

"Ha? Bakit?"

"Ito ang huling bagay na aalisin ko sa katawan ko."

"Bakit nga?"

"Dahil nakaukit dito ang pangako ko sa 'yo. Hindi kita iiwanan. Hindi kita bibitawan. Kapag inalis ko 'to, para na rin ako tumaliwas sa pangako ko sa 'yo."

"Ang corny mo."

Niyakap ko siya. Umiling ako.

"Kevin, hindi na yan kailangan. Tapos na ang laban," dagdag ko.

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Hindi ko na napigilan. Pumatak ang luha ko nang hindi ko namamalayan.


   
Buy Me A Coffee

Story Copyright © 2010 Sympaticko