36
Totoo ba yan? Reply niya.
Hehe.
Sige tawa.
Joke lang yun.
Ouch.
Hehe.
Punta ako jan.
Bakit?
Mag-usap tayo.
About saan?
Sa atin.
Wag na.
Bakit?
Nahihiya ako. Hehe.
Bugok.
Oo nga. Nahihiya ako.
Bakit ka nahihiya?
Sa sinabi ko.
Na?
Yung kanina.
Edi nahihiya narin ako.
Sanay ka naman kasi magsabi nun eh.
Uto! Sige na. Text ulit ako miya.
Naalala ko, midterm examinations na pala next week. Nasa'n na nga ba ang mga notes ko? Nakalimutan ko, hindi nga pala ako nagle-lecture. Hahaha! Nagbukas ako ng books, kaya lang nakalimutan ko na kung saan na kami naroon. Buset. Graduating na 'ko pero bakit petiks pa rin ako.
Beep. Beep.
Busy ako. Mamaya ko na lang tignan. Tinatamad kasi akong abutin ang cellphone kong ilang metro ang layo sa kinauupuan ko.
Beep. Beep.
Istorbo. Hindi ako makaalis, nasa gitna ako ng isang madugong labanan... labanan sa Garena online. Dota, mga pips.
Beep. Beep.
Tae naman oo. Kakulit. Buset. Hinugot ko ang speaker ng computer, sinaksak ang headset para hindi ko na marinig ang istorbong kanina pa nagte-text.
May ilang minuto rin ang nakalipas. Maya-maya pa ay dahan-dahang bumukas ang pintuan, nakakabigla. May biglang pumasok, nakaputi, mahaba ang suot. In short, nakakatakot. Anak ng tokneneng, akala ko kung sino. Si Yaya lang pala, namumula pa ang mga mata.
Binitawan ko ang mouse na hawak ko. Ako na ang unang nagsalita dahil mukang sabog pa, este, naaalimpungatan pa si Yaya.
"Oh, Ya. Wazzup?" tanong ko.
"Mark, kanina pa sa labas si Kevin."
"Ah gano'n po ba? Nasaan na po siya?"
"Nasa labas. Ayaw pumasok. Gusto 'ata ikaw ang sumundo."
Pipikit-pikit na si Yaya. Mukhang nasira ang kanyang malalim na pagkakatulog. Naawa naman ako bigla.
"Sige, Ya. Matulog ka na ulit. Pasensya ka na. Pagpasensyahan mo na si Kevin. Bukas, gumanti ka sa kanya. Kurutin mo sa singit."
Napangiti ko naman si Yaya.
"Sige na, Mark. Labasin mo na si Kevin do'n. Kawawa naman. Kanina ka pa no'n hinihintay."
Tumalikod na siya, naglakad na pababa. Ako naman ay tumayo na rin, iniwanan ang computer, bumaba na rin.
Nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse. May kadiliman ang kinalalagyan niya, kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
Habang papalapit sa kanya. "Oh, bakit nandito ka? Gabi na," sabi ko.
"Kanina pa nga ako dito e."
"Sorry, nag-aaral kasi ako e. Hindi ko napansin mga text mo."
"Ah... ganon ba? Usap tayo?"
"Na naman?"
"Iba 'to."
"Siguraduhin mo lang, Kevin. Nakakaistorbo ka sa pag-aaral ko."
"Baka gusto mong papasukin muna ako sa bahay niyo?"
"E ikaw kasi e. Kaarte mo. Pinapapasok ka ni Yaya kanina, ayaw mo pa."
"E akala ko kasi e, ano. Basta."
"Ang dami mo pang sinabi. Sige, tara na."
Umakyat na agad kami. Nauuna ako, kasunod lang siya sa likuran. Walang kibuan. Pagpasok sa kwarto, nakita ko agad ang nakabukas na computer. Naka-open pa ang Dota application, naka-connect at nasa room pa ng Garena Online. Huli. Patay!
"Ah... nag-aaral pala ah? Baka nagdo-Dota."
"Kanina pa 'yan."
"Lulusot ka na naman, Mark."
"E ano ba kasi ang pag-uusapan natin?" tanong ko para ibahin ang usapan.
"Pag-usapan natin ang tungkol sa atin."
Hindi man diretso ang sagot niya, mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Nahiya ako bigla.
"Anong sa atin?"
"'Yung sinabi mo kanina."
"Ah... 'yun ba."
Buset. Sa tinagal-tagal namin na magkasama, ngayon lang ako nahiya nang ganito. Para akong pusang nahihiya sa daga.
'Ayan na naman ang tingin niya. Nakakaloko. Nakakagago.
"Hindi naman na bago sa 'yo, 'di ba, na sabihin kong mahal kita? Bago ako pumarito para humarap sa 'yo, ilang beses muna akong nagpabalik-balik sa harap ng salamin para kabisaduhin ang sasabihin ko para sa 'yo. Kinausap ko ang sarili ko, humugot ako ng lakas ng loob. Alam mo ba, Mark, na ngayon lang ako tinamaan ng ganito? Weird, dahil sa isang lalaki ko pa 'yun naramdaman... sa 'yo."
Puta, ano ba sasabihin ko? Ano bang dapat na reaksiyon sa lahat ng narinig ko? Panginoon, tulong!
Lumapit ako sa kinauupuan niya. Inakbayan ko siya.
"Pareng Kevin... gusto ko malaman mo na gano'n din ang nararamdaman ko sa 'yo. Mahal kita, mahal na mahal. Higit pa ata sa lahat mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Katulad mo, nalilito din ako sa nararamdaman ko dahil baguhan tayo dito. Mahal kita ngayon, sigurado ako mamahalin pa rin kita bukas pero... pero gusto ko na 'wag nating isara ang posibilidad na balang araw magkakapamilya tayo parehas. Magkakaanak ka at gano'n din ako." Sinalat ko ang kanyang mukha, napapikit siya. "'Yang mukha na 'yan, 'yan ang mukha ng puso ko."
Dumilat siya. Ngumiti. Umaliwalas na muli ang kanyang mukha. Ang sarap tignan. Ang sarap sa pakiramdam.
"Ano na tayo?"
"Anong ano?"
Hindi ko talaga nakuha ang tanong niya.
"Stat."
"Ah... Hehe. E di bestfriend. Tssk."
"Hahaha!"
"Ano ba gusto mo?"
Tinignan ko siya, mata sa mata.
"Super bestfriend. Hehe."
"Ano ba 'yan nagmumukha na tayong mais... corniks..."
"Astig nga e."
"Ano naman ang kina-astig no'n, Kevin?"
"Basta. Oy, tara labas tayo? Jollibee? Basketball?"
"'Wag na 'yun. Gabi na. May naisip akong masmagandang gawin."
"Ano?"
"Mag-aral?"
"Naman, Mark."
"Hindi. Ibang pag-aaral 'to."
Ngumiti ako, kumindat nang todo.
"Ano?"
Hinubad ko ang aking damit. Nakatingin lang siya, nanlaki ang mga mata at ang mukha... hindi maipinta.
"Pag-aaralan natin mabuti ang isa't-isa," sabi ko sa kanya.