2
I thought some time alone—
Halos mapa-attention ako sa kinuupuan ko nang marinig ko 'yong unang linya pa lang na 'yon ng kanta ni Luther Vandross mula sa videoke, hindi dahil sa kanta, pero tanging dahil lang do'n sa boses ng kung sino mang kumakantang 'yon. Nakakatindig-balahibo.
—was what we really needed—
'Di ko alam kung ga'no katagal na kaming nag-iinom o kung ga'no karami na ang nainom namin. Basta sa puntong 'yon, nando'n na 'ko sa estadong magkahalo na ang kaunting amats at pagkabagot kaya tahimik lang akong nakatulala sa pwesto ko, nakikinig at sumasagot lang kung may tanong mang naibabato sa 'kin habang naghihintay na mapunta sa 'kin ang susunod na shot.
Pero, nang magsimulang kumanta ang kung sinumang kumakantang 'yon, parang biglang nalusaw ang mga kung anu-anong nagkahalo-halo sa isip ko. Ang tanging gusto ko lang nang mga saglit na 'yon ay ang makinig sa kanya.
Ang ganda ng boses e.
Parang si...
Napailing ako.
Nang maglibot ako ng tingin, marino ang nakita kong kumakanta—either marino siya o talagang trip niya lang 'yong gano'ng gupit. Hindi kasi siya naka-uniform, kaya hindi ko masabi nang one hundred percent.
Pero kung marino siya? Amazing.
Hindi naman sa judgmental ako dahil sa hindi maganda ang reputasyon ng mga marino sa school pagdating sa academics. Pero, out of my expectations lang siguro na gano'n kaganda ang boses niya at gano'n pang genre ng kinakanta niya.
Pagtingin ko sa videoke, nakita kong walang susunod na kanta kaya saglit akong lumapit do'n at ini-reserve ko muna 'yong Yellow ng Coldplay. Sakto namang kakasalin lang ng shot ni Bryan para sa 'kin nang bumalik ako sa tabi niya sa table namin. Inakbayan niya 'ko at ibinigay sa 'kin 'yong shot, sabay nginisian ako nang nakakaloko.
"Naglagay ka ng kanta, 'no?"
Napakamot ako ng ulo sa lito. "Oo, baket?"
Tumawa lang siya. "Wala, ang predictable mo lang kase."
"Pinagsasabi mo 'jan?"
"Wala, walaaa"—tumawa siya—"i-shot mo na 'yan."
Hinayaan ko na lang siya. Minsan kasi, parang gago talaga 'to si Bryan e. Wala daw.
Muli akong napasulyap do'n sa marinong ang boses ay nangingibabaw ngayon dito sa MJ. Tuloy-tuloy lang siyang kumakanta habang nagkekwentuhan sa tabi niya ang mga tropa niyang tulad namin ay suma-shot din.
Pagkalagok ko sa shot ko ay ibinigay ko ang shot glass sa tomador, kay Bryan. Saktong pag-abot ko ay napansin kong nakatingin siya sa 'kin at hindi ko napigilang biglang ma-conscious dahil na-realize kong kanina pa pala niya 'ko pinapanood.
Ngumisi na naman siya. "Ang galing, 'no?"
"Ha?"
"'Yung marino."
"Ah. O' nga e." Bahagya 'kong natawa. "Parang si—ano...."
Muli akong napailing. Hindi ko na itinuloy kung anuman sana ang sasabihin ko. May mga bagay—o tao—talagang dapat na nilulunod na lang sa alak at naibabaon sa limot.
Bumuntong-hininga ako.
Tinapik niya 'ko sa balikat. "Oks lang 'yan—"
"Nagha-heart to heart na naman kayong dalawa!" biglang sabat ni Dave.
Sabay-sabay naman kaming binuyo ng mga kasama namin sa table. Dahil do'n, biglang napuno ng ingay ang MJ. Nag-alala 'kong baka magalit sa 'min 'yong kumakantang marino, pero pagtingin ko sa kanya, sakto namang tumingin din siya sa 'kin at ngumiti na parang alam niyang gusto kong mag-sorry. Nginitian ko na lang din siya bago ko ibinalik ang atensyon ko sa mga kasama ko sa table.
"'Yung matira sa cash prize, payag kayo mag-outing na lang tayo?" tanong ni Chester.
Binawasan kasi namin 'yong cash prize at kasalukuyang ipinang-iinom at pinampupulutan namin ngayon. Kaunting kaunti lang din naman ang mababawas dahil hindi naman kamahalan dito sa MJ. Pang-estudyante lang.
Ayos lang naman din sa 'kin kung sa outing na lang namin gastusin 'yon.
"Dagdag na namin 'yung sa cash prize namin," sabi ni Jan, kabanda ni Dave.
"Basta pagkatapos na ng finals ha? Alam niyo namang iba ang course namin e," dagdag ni Ron.
Civil engineering kasi ang course nilang dalawang kambal. Ibig sabihin, saka pa lang sila magfa-finals pagkatapos no'ng linggong naka-sched kami mag-finals. Ibig sabihin din, pagka-graduate namin ngayong taon, maiiwan pa silang dalawa dito sa school nang isa pang taon.
"Yuan?" pagtawag na patanong sa 'kin ni Dave.
"Oh? Anong ako?"
"Ikaw 'yung mahilig hindi sumama e," sagot niya nang tatawa-tawa.
"Ako na bahala dito! Sa ayaw at sa gusto, sasama 'to," sabi ni Bryan na ikinawit sa leeg ko ang braso niyang nakaakbay sa 'kin.
"Tss. Oks lang sa 'kin."
Nang marinig ang pagpayag ko, nagkanya-kanyang usap na rin sila ulit, pero puro outing na ang topic nila. Kung sa'n pupunta, sino'ng magdadala ng sasakyan—mga gano'ng bagay. Basta ako, kung ano na lang ang mapagkasunduan nila, ayos na sa 'kin 'yon. Hindi naman ako mapili e.
Saka, mahigit isang buwan na lang naman ang natitira sa sem na 'to.
Ang gusto ko na lang ngayon ay makapag-relax man lang muna bago sumabak sa tunay na mundo. Kung ano man 'yon.
Sa sumaging 'yan sa isip ko, hindi ko na napigilan ang buntong-hiningang lumabas sa bibig ko.
Buti na lang at saktong nag-abot ng shot sa 'kin si Bryan kaya muling natahimik ang mga bagay-bagay na nagra-rumble-rumble na naman sa isip ko.
Sa loob ng bar, pumapailanlang pa rin ang kanta ni Luther Vandross.
—I'd rather have the one who holds my heart.
Umabot na kami ng ala una ng madaling araw pero tuloy-tuloy pa rin ang inuman, kasabay ng kwentuha't tawanan. Wala pa naman sa aming lasing dahil hindi naman kasi walwalang inuman 'to. Walang pilitang makarami. Kumbaga, saktong tambay lang na nahaluan ng alak at nataong sumabay lang din na celebration namin ngayon. Lalo na, pagkatapos nitong U-Week, malamang na sa outing na kami susunod na magkakasiyahan ulit na tulad nito. Bonus pa na may cash prize kami dahil sa Battle of the Bands.
Pero, ewan. Masmasarap sanang matulog na lang.
Kaso nga, hindi ako nakatakas kanina.
"Bili lang ako ng ihaw," paalam ko kay Bryan.
"Tenga rin, ha? Damihan mo."
"Yessirrrr."
Tinapik ko siya sa likod bago dumiretso sa labas ng MJ kung saan nakapwesto ang ihawan. May isinasalang 'yong bantay, pero tumingin siya sa 'kin na parang nagtatanong kung anong order ko. Kaya sinabi ko na lang agad.
"Kuya, sampung isaw, sampung tenga, sampung barbeque, tatlong taba."
Tumango lang siya.
"Ay, sampung taba na lang pala, Kuya."
Tumango siya ulit.
Kakaibang walang gaanong mga taong nakakalat ngayon, kahit pa sabihing lagpas hatinggabi na. May mga tao naman sa mga tambayang kahelera nitong MJ pero tahimik at walang laman itong street ngayon. Hindi naman ako madalas sumama sa inuman dito pero tuwing sumasama ako, hindi ganito kapayapa ang paligid dito. Lalo na at second to last day ng University Week ngayon. Kumbaga, dapat may mga estudyante pang naghahabol ng walwalan ngayon. Kaso, parang Lunes lang ng gabi ngayon at maaga ang pasok ng lahat kinabukasan ang dating sa 'kin ng nakikita ko.
Sa madaling salita, perfect.
Sana laging ganito.
Napa-inhale tuloy ako. Syempre, 'yong amoy ng ihaw na may halong usok ang nasagap ko.
"Parang mapapatagal pa kayo, ah?" sabi ng boses galing sa likod ko.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil wala sa isip kong may iba pa palang tao ro'n, habang nagmumuni-muni ako, maliban sa 'ming dalawa no'ng bantay. Paglingon ko sa likod, 'yong marino pala, 'yong kumakanta kanina ng I'd Rather. Bigla-bigla na lang sumusulpot e.
"Uy!" bati ko na medyo kumakabog pa rin ang dibdib. "Nagulat ako sa 'yo."
Tumawa siya. "Sorry naman."
"Oks lang," sagot ko. "Pero oo, sinusulit lang namin 'yung U-Week. May pasok na ulit sa Monday e."
"Nga e. Kami rin," sabi niya, habang nakaturo sa loob ng MJ. "Ayaw pa mag-uwian ng mga 'yon."
Tumango lang ako at hindi na sumagot. 'Di ko kasi alam kung pa'no pa durugtungan 'yong kwento niya kahit na—ewan ko ba—parang gusto ko pang pahabain. Gusto ko pang marinig 'yong boses niya. Kaso, 'di talaga 'ko masyadong marunong makipag-usap lalo na sa mga 'di ko gaanong kilala, at 'di rin ako mahilig makipag-small talk.
'Di ko nga alam kung bakit ba 'ko nag-Communication, e malamang puro usap 'to 'pag nagtatrabaho na 'ko. Bahala na lang siguro. Saka, sa bagay, depende rin naman siguro sa trabaho 'yon.
Ilang saglit na tumahimik ang paligid, pero hindi naman 'yon awkward. Para sa 'kin lang, ha? Ewan ko lang do'n sa marino. Sanay naman na kasi 'ko sa ganito.
Pagsulyap ko sa kanya, saktong nagtagpo 'yong mga mata namin.
"Mark pala," pagpapakilala niya habang iniaabot 'yong kanan niyang kamay sa 'kin. Kinuha ko 'yon at nakipag-shake hands sa kanya, kahit na sa isip ko e bakit ba 'to nagpapakilala sa 'kin?
"Yuan," sagot ko.
Ngumiti siya. "Ang galing ng boses mo, P're."
"Hala," sabi ko nang may bahagyang pagtawa. Bigla 'kong nakaramdam ng hiya dahil sa pagpuri niya. "Ikaw nga 'yun e. Dapat pinangsi-singing contest mo 'yan."
"Sshhh"—umiling siya—"seryoso, Yuan." May pagtapik pa sa balikat ko—for emphasis siguro. "Nando'n kami sa Battle kanina. Ang galing mo! Tignan mo, lalo ka pang sisikat n'yan sa school. Ang ganda na ng boses mo, tapos ang galing mo pa kumanta."
Lalo?
Pa?
Potek, lalong 'di ako nakapagsalita dahil do'n. Kahit lola ko, hindi gano'n kung purihin ako e. Unti-unti, naramdaman kong umiinit ang mukha ko. Pero hindi ko pa rin magawang mag-iwas ng tingin o masagot man lang 'yong mga papuring narinig ko. 'Di ko alam kung ga'no katagal akong napamaang lang sa kanya.
Sa gilid ng paningin ko, napansin kong bumaling na sa kanya 'yong taga-ihaw.
"Sir," sabi ni Kuya, sabay iniabot 'yong malaking platong pahaba na laman 'yong mga in-order ni Mark. "Sampung barbeque, kinseng isaw."
Kinuha ni Mark 'yong plato at tumingin sa 'kin. "Pasok ko na 'to do'n"—sabay ngiti—"next time ulit."
Ngumiti naman ako pabalik at sinundan siya ng tingin. Pagpasok niya ng MJ, kasalubong naman niyang lumabas si Bryan.
"Ang tagal mo naman," sabi niya. "Ayaw nila pumayag na mag-pass ka."
"Pa'no 'to?" tanong ko habang nakaturo sa iniihaw ni Kuya.
"Parang tanga 'to. Ipapasok naman 'yan do'n."
"Oo, Sir," baling sa 'kin no'ng bantay. "Dal'in ko na lang sa table niyo 'yung order niyo."
The fuck. Totoo?
"Tara na," paghila sa 'kin ni Bryan.
Napabaling ako ng tingin kay Mark na kauupo pa lang at napakamot na lang ng ulo.