12
Pwede ba kitang ligawan?
"Yuan."
"Oh?"
"Pwede ka na bumitaw."
Halos itulak ko si Mark para agad akong makakalas sa pagkakayakap niya sa 'kin. Pero, 'di katulad kani-kanina lang, pinakawalan naman niya ako.
Natawa 'ko sa sinabi niya. "Ako pa talaga, ha?"
Abot-tengang ngiti lang ang isinagot niya sa 'kin. Napailing ako. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang masaya lang siya.
"Pasalamat ka birthday mo," sabi ko sa kanya, pang-ilang ulit na.
Halos isang oras din kaming nawala ni Mark sa sarili niyang birthday celebration. Sa isip-isip ko, panigurado, mas lalong masama na ang loob sa 'kin ngayon no'ng dalawang tropa nito. Kasi, imbis na diretso na kaming bumalik do'n sa condo niya, nagpumilit pa muna siyang bumili kami ng alak sa 7-Eleven since 'yon daw talaga ang dahilan kaya kami lumabas kanina. Pero, dahil sa mga pinagsasabi niya sa 'kin sa roof deck kani-kanina lang, hindi ako naniniwalang totoo 'yon.
"—now, that's one steady hand, Jess. That's an artist's hand. Am I right?—"
"Muntik na kayong hindi bumalik ah!" pabulong na bati sa 'min ni Trish pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa condo. Kasalukuyan silang nanonood ng movie.
"Sorry," sabi nitong kasama ko. "May dinaanan lang."
Saglit na tinapunan lang kami ng tingin no'ng iba bago nila ibinalik ang atensyon sa TV kung saan kasalukuyang nagpe-play 'yong Bridge to Terabithia. Tutok na tutok sila, puro seryoso. Alam na alam ko kaagad na iyon 'yong movie dahil ilang beses ko nang naulit 'yon dati. Ang weird lang dahil 'yon ang choice nilang panoorin ngayong birthday ni Mark. Ayaw ko mang sabihing weird choice 'yon dahil wala naman sa itsura nina Roy at Chris na nanonood sila ng gano'n, pero 'yan ang talagang nasa isip ko. Hindi ko alam kung rewatch ba 'to o first time nilang panoorin, pero tinitignan-tignan ko 'yong mga reaksyon nila at mukhang puro seryoso naman sila. Kaso, ang weird lang talaga dahil sa okasyon ngayon.
Umupo ulit ako sa pwesto ko kanina sa tabi ni Daryl habang kinuha naman ni Mark 'yong plato naming dalawa na may takip na ngayon at naunang isinalang muna 'yong sa kanya sa microwave oven.
"P'enge pa spag," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at sinalukan 'yong plato ko ng spaghetti. Nakita ko ring naglagay siya ng maraming shanghai bago niya ipinalit 'yon sa plato niya sa loob ng oven.
"—no, I... I just made them up myself."
"You're really talented... Jess, don't let those other kids get in your way—"
Habang naghihintay, tinignan ko muna 'yong phone ko at nakitang may text sa 'kin si Bryan. May tanong nga pala 'ko sa kanya kanina. Muntik pa 'kong mapamura sa ginawa niyang password ng Facebook ko pero nagkasya na lang ako sa pag-iling.
"Totoo to? Kaw na ulit gagamit? PW - BryanTeroyPogi4Ever!," text niya. Kanina pa 'yon, three minutes pagkatapos no'ng text ko sa kanya. Tapos, may mga sumunod pa siyang text na nagtatanong kung naka-log in na 'ko.
"Namo ka!" na lang ang ni-reply ko.
"Ba't ganyan itsura mo?" mahinang tanong ni Mark, pagkalapag niya ng mga plato namin. Sinimulan niya na ring ilipat 'yong kalahati ng mga shanghai mula sa plato ko papunta sa kanya.
"Wala. Nag-reply kasi si Bryan sa password ko," mahina ko ring sagot. Inabot ko sa kanya 'yong phone ko. "P'enge pala wifi password."
"—so? My dad gets mad at me... pretty much all the time."
"He hits her—"
Pagkabigay ni Mark sa 'kin ng phone ko, 'di ko napigilang mapabuntong hininga muna habang iniisip na ida-download ko na naman ulit 'yong Facebook at Instagram. Parang ayaw kong gawin, sa totoo lang. Parang hindi ko naman kailangan. Halos tatlong taon na rin kasi mula nang i-delete ko 'yong mga 'yon dahil sa sama ng loob kay Thor, hanggang sa nakasanayan ko na rin nga ngayon. Mas okay pala kasi 'yong hindi mo nakikita 'yong mga kalat ng mga kakilala mo sa internet. 'Di masyadong nababawasan 'yong respeto mo sa kanila.
Saka, kung sakali naman kasing may mahalagang message para sa 'kin, sinasabi naman sa 'kin ni Bryan. Siya lang naman kasi ang nagsasabing mahalaga 'yong Facebook e. Lalo na daw at nasa ibang bansa ang pamilya ko. Kaso, sa tagal na siya ang gumagamit ng Facebook ko, bibihira lang 'yong sabihan niya kong may mahalagang nangyari o message para sa 'kin galing sa Canada.
"Download mo rin 'yung Messenger," sabi ni Daryl na pinapanood pala 'yong ginagawa ko.
"'Wag ka ngang tsismoso," sabi sa kanya ni Mark.
"Ano 'yong Messenger?"
"Sa Facebook 'yon. Hiniwalay nila 'yong app ng messages nila," sagot sa 'kin ni Daryl.
"Sshhh!"
"—so I'll cherish the old rugged cross—"
Muntik na 'ko matawa. Nag-duet pa kasi talaga 'yong dalawang tropa ni Mark para lang patahimikin kami—o baka ako lang—kahit na hindi naman kami gano'n kaingay. Naisip ko tuloy na mukhang tama nga ako at talagang inis sa 'kin 'yong dalawa. May part sa 'kin na gustong mag-sorry sa kanila sa nasabi ko kay Mark kanina at ipaliwanag na wala namang ibang ibig sabihin 'yon. Pero masmalaki 'yong part na walang pakialam. Ga-graduate naman na kami at lahat nang 'to mawawalan na rin ng saysay. Kumbaga, lahat kami, magsisimula ulit sa blank slate.
Saka, ang OA naman kasi kung para do'n lang nagalit na sila sa 'kin. Masama ba 'yong nasabi ko? Hindi naman. Sila lang talaga 'yong nagbigay ng kulay do'n.
Ang punto ko lang do'n, kung pangarap mo, abutin mo. Masmaigi na 'yon kaysa sa katulad kong wala namang pangarap. Kaya nga no'ng ikwento ni Mark 'yong sitwasyon niya, naintindihan ko naman. Naiintindihan ko naman kasing hindi lahat ng tao kasing privileged ng iba. Kaya, may mga pagkakataong kailangan nilang lumihis doon sa kung saan nilang gusto talagang mapunta.
'Yan siguro ang problema ko. Masyado 'ata 'kong privileged kaya ganito ako.
Pwede ba kitang ligawan?
'Tang ina.
Napatingin ako kay Mark na kasalukuyang nilalantakan 'yong hita ng manok, napabuntong-hininga, at napailing.
Itinuloy ko ang pagkain. Sinunod ko na rin 'yong suggestion ni Daryl na i-download 'yong Messenger. Nang mapatingin ulit ako kay Mark, pansin ko namang seryoso na siyang nanonood no'ng movie. 'Yon nga lang, tingin ko, masyado nang late niya 'yon nasimulan. Hindi na pareho ang impact no'n sa kanya mamaya. Unless, napanood niya na 'yon dati. Napaiyak kasi ako ng movie na 'yan no'ng una ko 'yang panoorin, pati na rin nang ulitin ko 'yan pagkatapos ng ilang linggo. Buti na lang at mag-isa lang ako no'ng pinanood ko.
Agad na umakyat ang number ng badge notification ng icon ng Facebook sa phone ko. Pagka-check ko ay puro para sa likes at comments sa pictures ko daw, at nang tignan ko naman kung ano ang mga ni-like nila, 'takte, mga picture ko nga kasama ng mga kabanda ko. Mayro'n din mga solo pic na 'di ko matandaan kung kailan at pa'no nakunan. Pero lahat no'ng pics ay mga naka-tag sa 'kin at puro mga post nila Bryan, Bon, Ron, Chester, at 'yong page ng CRYBB.
Karamihan ay mga post ni Bryan na pati pictures ko habang natutulog ay 'di na pinatawad. Gago 'yon! Tawa siguro nang tawa 'yon tuwing magpo-post siya ng gano'ng picture ko. Pati pagkain ko ng Champ no'ng isang araw ay naka-post din. Mukhang wala talaga yatang pinatawad ang Bryan na 'yon. Pero, bawat picture ay nasa libo ang likes.
Napabuntong hininga ako at pumunta sa profile ko.
Natulala ako.
Ano to?
Kinalabit ako ni Mark. "Ayos ka lang?" bulong niya.
Pinakita ko sa kanya 'yong screen ng phone ko at saglit niya namang tinignan.
"Oh, bakit?"
"Ba't ako may eighty thousand na follower?" Takang-taka ako.
Bahagya siyang natawa. "Maraming dahilan. Pero magaling 'ata 'yung manager mo e. Kung ako lang masusunod, one lang dapat 'yang follower mo e."
"Tss. Ulul."
Saglit akong tumayo para kumuha ulit ng spaghetti. Hindi naman ako gano'n kahilig sa spag, kaso ang sarap e. Napa-tss na lang ako nang makita ko si Mark na ngiting-ngiti na naman sa 'kin pagbalik ko sa upuan ko. Proud na proud talaga siya sa luto niya.
"—get your head out of the clouds, boy. Draw me some money. Make yourself useful, draw me money."
"What are you going on about?"
"This isn't one of your cartoons. This is serious—"
Muli kong tinignan 'yong profile ko sa Facebook. Hindi pa rin ako maka-get over.
84,283? E iilan lang naman ang estudyante sa school namin. Siguro, nasa 15,000 to 20,000 lang 'yon. Saan naman kaya nanggaling 'yong 60,000? Ano naman kaya ang ginawa ko para 'ko magkaro'n ng ganyan karaming followers? At ano naman kaya ang ginawa ni Bryan para maparami 'yan ng ganyan?
Buti na lang at wala namang in-accept si Bryan na kahit anong friend request. Kaso, sa sobrang dami no'n, hindi ko na alam kung pa'no hahanapin sa mga 'yon 'yong mga kakilala ko talaga.
Naalala ko tuloy no'ng sinabi ni Bryan na siya muna ang bahala sa Facebook account ko. Alam niyang kaka-delete ko lang sa Facebook sa phone ko no'ng time na 'yon. Tapos, kumalat naman sa school 'yong video ko habang kumakanta ng Creep sa klase. Ito pala ang ibig niyang sabihin sa siya na ang bahala. Parang nagsisisi tuloy akong pumayag ako.
Pwede ba kitang ligawan?
"Tsk." Napailing ulit ako.
Sa pag-scroll down ko sa profile ko, napansin kong sinunod naman ni Bryan 'yong sinabi kong 'wag siyang magpo-post gamit ang account ako, pero dahil naka-tag naman sa 'kin 'yong mga public post niya, parang balewala rin pala 'yong sinabi ko.
Gano'n pala 'yon?
Kaya pala hindi na natatapos ang isang linggo na may nagre-request na magpa-picture kasama ko.
'Di bale. Gamitin ko na lang siguro 'to para sa banda namin.
Saglit akong nag-post ng status.
"I'm back."
"—Jess! I called you three times. It's your girlfriend."
"She's not my girlfriend—"
Napatingin ako sa TV. Malapit na pala 'yong climax no'ng movie.
Sumakay na si Jess sa sasakyan ni Ms. Edmunds para pumunta sa museum. Naalala ko no'ng una kong napanood 'yon. Hanggang sa part na 'yon, feeling ko parang easy going lang 'yong movie. Feel good. Wala 'kong kahit anong idea na pagkauwi niya, tragedy na pala 'yong dadatnan niya. Foreshadowed naman siya e. Kaso, dahil sa mga bata 'yong bida, hindi mo iisiping iyon ang mangyayari.
"—I'm sorry, son."
"No, you're lying. She's not even dead. You're lying!—"
Biglang nag-vibrate ang hawak kong phone, at muntik na 'kong mapamura dahil sa istorbo. Sakto naman kasi kung kailan climax na no'ng movie.
Pero, nang makita kong si Yuri ang tumatawag, mabilis na kumalma 'yong inis ko. Ewan ko ba. Kung susumahin, wala pa sa isang taon 'yong bilang ng mga araw na nagkasama kaming dalawa, pero ngayon, pagdating sa kanya, parang lagi kong gustong ipakitang maayos akong tao. Lalo na ngayong may nangyayaring di kanais-nais sa mga magulang namin. Sabihin nang pakitang-tao pero—ewan ko ba—gusto kong maramdaman niyang maaasahan niya 'ko.
"Labas lang ako saglit," bulong ko kay Mark, "tumatawag kapatid ko e."
"Oh, baka tinatakasan mo lang ako, ha?"
Saglit akong napamaang sa kanya, habang ang laki naman ng ngisi niya.
Inangat ko muna 'yong phone sa tenga ko para saglit na sagutin si Yuri. Mahina lang, syempre, para walang masabi 'yong mga tropa ni Mark.
"Hey, Bro—"
"Hey—"
"—wait a bit. Lemme go somewhere private."
"Sure."
Bumaling ako kay Mark at ipinakita 'yong screen ng phone ko. "Kapatid ko nga 'yan, oh."
"Gusto mo sa kwarto ko na lang?"
"Ha? Hindi na. Dito na lang sa labas. Sige na."
Dali-dali na akong tumayo at agad na lumabas bago pa siya may masabing kung ano na naman. Dahan-dahan kong isinara ang pinto saka napabuntong-hininga. Buti na lang at online 'yong tawag, kaya ayos lang paghintayin. Nag-indian seat ako sa tabi ng pinto ng unit nina Mark bago muling itinapat ang phone sa tenga ko.
"Yuri?"
"I'm here." Narinig kong tumawa siya nang mahina. "Who was that?"
"Uh, a friend. Neighbor natin siya, actually. 'Andito ko sa unit niya. Birthday niya kasi, and nanonood sila ng movie kaya lumabas muna 'ko."
"You coulda just gone to his room. Like he wanted."
"What? No way."
Tumawa siya. Pero this time, malakas na. "I'm just teasing ya."
"Mukhang masaya ka, ah?"
"Well, I saw you're back online."
"Ah, right." Oo nga pala. Bahagya 'kong natawa. "Bilis mo ah? Pino-promote kasi namin 'yung band namin nila Bryan e."
"Nice! I'll help you guys when I get there."
"Oo nga, pa-shoutout naman kami!"
"Psh! I'll do more than that, Kuya. I'll cover one of your gigs. I'll set up your channel. Anything!"
"Oh, parang may kailangan ka ah!"
"Well, Bro, that's because you need to pick me up on Monday." Tumawa siya ulit. "Fin'ly getting away from these two idiots."
"Parents mo 'yun, oy."
"Parents mo rin kaya."
Napabuga 'ko ng hangin at napakibit ng balikat. "If you say so."
"Kuya naman."
"What? It's true. Anyway," pag-iiba ko sa topic, "'di ba hanggang June pa ang classes mo?"
"Right! Remember I told you I thought I have enough credits to graduate?"
"Oh?"
"Turns out, I actually do. Buuut, I still asked my teachers if I can take my exams early for the classes I'm taking right now, and I did. This past week. For additional credits. Overachiever ang kapatid mo e—"
"Ikaw na!" Akala ko pa naman puro lang siya landi do'n.
"—and then, I also told Mom and Dad about going there to stay with you."
Natawa ako. "Really? Ano sabi nila?"
"They're paying for my ticket! They'll even give me an allowance every month. Not that I need it though." Tawa siya nang tawa. "Told them I'm graduating early and I'm planning to take a gap year. And... I think I'll do just that."
Bigla naman akong nalungkot do'n. "So... babalik ka rin... 'jan? After a year?"
"What? No! I meant—I mean— yes, I'm thinking of going to uni next school year instead. Not right now. But over there, I mean, while staying with you. Not here. Don't tell them yet, ha?"
"Ah! Okayyy... I thought—akala ko, gap year ka lang talaga dito e."
'Yong kasabihang 'my heart is full'? Hindi ko alam kung bakit, pero 'yan ang nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil—hindi ko lang masabi kay Yuri—tuwang tuwa ako sa desisyon niya. Ewan ko ba. Basta, masaya akong hindi lang siya panandalian dito, na balak niyang magtagal dito kasama 'ko.
"Kuya naman." Naging seryoso bigla ang boses niya. "You know, I really don't want to tell you this because I don't want to make them look even worse to you. But, ever since, it's always been me who kept on badgering them for us to visit you there, ya know? Basta." Marahan siyang tumawa, 'yong para bang nahihiya siya sa mga sinasabi niya sa 'kin. "'Kaso 'di mo naman ako pinapansin."
"Ano?" sabat ko. "Ikaw kaya 'di namamansin!" Naramdaman kong nagsisimulang mangilid ang mga luha sa mga mata ko sa 'di ko malamang dahilan.
"I even learned Tagalog for you!" Tawa na naman siya nang tawa ngayon.
Halos mapatalon ako nang may biglang humawak sa balikat ko. "Yuan, okay ka lang?" sabi ng boses galing sa taas ko.
Nagbagsakan ang mga luha ko nang tingalain ko kung sino 'yon.
Si Sir Kevin pala. Sa isang kamay niya, may hawak siyang isang bote ng Jack Daniels at malaking eco-bag na—hula ko—may lamang tray ng pagkain dahil sa hugis no'n at amoy na nanggagaling mula do'n. Ni hindi ko man lang napansing nasa tabi ko na pala siya. Nakakahiya tuloy na naabutan niya ko sa ganitong ayos.
"Ah, um"—pinahid ko 'yong luha sa pisngi ko—"okay lang ako, Sir."
"Huh?" sabi ng boses ni Yuri mula sa phone sa tenga ko.
"Sure ka?" tanong naman ni Sir Kevin.
"Uh, Yuri, just a sec. Um, oo, Sir. Pasok ka na po. Bukas 'yan." Bigla 'kong natawa. Condo niya nga pala 'tong tinutukoy ko. "I mean, sunod na lang po 'ko sa loob."
"Hala"—tumawa siya—"biglang nag-po."
"Ay, sorry naman, Sir."
"Kuya-hin mo na lang ako. Ang awkward bigla ng 'sir' e. Kaibigan mo pala kapatid ko."
"Sige, aah, Kuya. Hehe."
Ngumisi siya at tinapik ako sa balikat. "Pasok ka na lang, ha?" Inangat niya 'yong dala niyang eco-bag na ani mong ipinapapakita sa 'kin. "May dala pa 'kong dagdag food, oh," sabi niya, bago tuluyan na niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
Napabuntong hininga na lang ako nang sumara nang muli ang pinto.
At least, hindi na ko masyadong emotional ngayon.
"Sorry about that, Ri."
"It's fine."
"Shit! I need to buy you a bed nga pala. Bukas, ibibili kita."
"Ah, Kuya, can we do it later? I'm fine sleeping on the couch for a while."
"What do you mean?"
"Um, well... I wanted to, um, plan out, um, design the layout of the room first"—natawa ako—"if that's okay with you."
"Interior designer ka pala e—"
"Well, not really."
"—and it's fine with me. It's your room now."
"It's just that I'm bringing a lot of my stuff with me, and—don't worry—I'm paying for everything."
"'No ka ba, Ri. Ayos nga lang sa 'kin, I swear. If the room's too small for you, I'm willing to have the whole condo remodeled. 'Yun nga lang"—tumawa ako—"baka makitira muna tayo kina Bryan."
Narinig ko ulit siyang tumawa na parang nahihiya. "No need, Kuya. I'll make it work."
"Ah, alam ko na! Palit na lang tayo ng kwarto."
"What? No, Kuya! Hahaha! Kulit mo."
"Baka hindi—"
"Kuya, look. I promise, you really don't have to do anything to make me stay."
Natahimik ako.
Hindi naman 'yon ang ginagawa ko e. 'Di ba? I mean, 'pag napapanood ko kasi 'yong vlogs niya at nando'n siya sa studio niya, na at the same time ay kwarto rin niya, nakikita kong masmalaki 'yon kumpara sa kwartong ibibigay ko sa kanya sa condo ko. Gusto ko lang namang kahit papa'no ay makuha niya 'yong parehong level ng comfort na mayro'n siya do'n. Lalo na 'yong channel niya, syempre mapapansin ng mga viewers niya 'yong studio niya.
"I'll make it work. Promise."
Napabuntong hininga na lang ako. "Tss. Oo na, sige. You win. 'Wag ka magrereklamo sa 'kin, ah?"
Tumawa siya. "I won't. Sooowww, my E.T.A. is eight p.m., I think, on Monday. I'll send you my flight details just to be sure. Anything you want me to bring?"
Napangiti ako nang malapad. "Your car?"
"No way!" Tumawa siya. "Too expensive! I'll probably ask them to sell it later, then buy another one over there."