14


Naalimpungatan ako sa tunog ng pagbagsak ng pinto.

Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim na sa labas. Kitang kita ko 'yon dahil nakalimutan ko palang ibaba 'yong blinds bago 'ko 'di sinasadyang makatulog sa pagod dahil sa pag-aayos nitong condo.

"Yuan?"

Boses ni Bryan 'yon.

May susi kasi siya nitong condo ko. Napilitan akong ibigay 'yon sa kanya isang buwan matapos 'kong lumipat dito. Akala niya kasi nagpakamatay na 'ko dahil hindi ako sumasagot sa mga text at tawag niya. Ang totoo—nalaman niya nang makumbinse niya 'yong security nitong condo na buksan ang unit ko—tinatrangkaso lang talaga ako no'n.

Bihira lang naman niya gamitin 'yong susi. Masmadalas siyang kumatok—alam niyang naiinis kasi ako 'pag hindi doorbell ang ginagamit niya—basta alam niyang nasa loob ako ng unit ko.

Ba't 'andito 'to?

Ilang saglit pa, bumukas ang pinto ng kwarto ko at halos kasabay ng pagpasok ng ilaw mula sa labas, dire-diretso ring lumakad si Bryan papasok.

Binuksan niya ang ilaw sa kwarto ko, dahilan para masilaw ako. "Anong nangyari dit—"

"Fuck!" napamura ako. Agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko.

"—gago ka!" halos sumigaw siya. "Ba't 'di mo sinasagot phone mo?"

"Ingay mo."

Naramdaman ko muna ang paglundo ng kama ko at ang pag-upo niya sa tabi ko, bago ko naramdaman ang palad niya sa leeg ko.

"Tsk. Wala 'kong sakit!"

"'Kala ko kung napa'no ka na naman e." Pilit niyang hinihila 'yong unan sa mukha ko. "Pinatay ko na 'yung ilaw. Tanggalin mo na 'yan."

Patay na nga 'yong ilaw nang tanggalin ko 'yong unan sa mukha ko, pero naka-on na 'yong study lamp ko sa table at nakahiga na rin si Bryan sa tabi ko paharap sa 'kin.

"Ano na naman problema mo?"

"Samahan mo 'ko. Road trip tayo."

Napabuntong hininga ako. "Pagod ako, Bry."

"Sige na, please?"

"'Di ba may study group kayo? Baka magalit sa 'kin si Jade."

"Nagpaalam ako."

"Patingen."

Saglit niyang kinalikot ang phone niya bago ipakita sa 'kin ang screen kung saan ang pinakahuling reply ni Jade ay ang all-caps at nag-iisang salitang SIGE! with exclamation point.

Natawa ako. "'Tang ina ka. Idadamay mo pa 'ko!"

"Hindi 'yun magagalit sa 'yo. Sige na kase, Yu. Please?"

Pinakiramdaman ko 'yong sarili ko, kung kaya ko bang pumunta kung saan-saan. Alam ko kasing hindi ako titigilan nito ni Bryan, lalo na't mukhang seryoso 'yong kung ano mang ipinagtatampo niya at kailangan pa talagang i-road trip. Buti na lang siguro at nakatulog ako, kaya kahit papa'no, halos nakabawi na 'ko sa pagod nitong maghapon.

Bumuntong hininga ako. Mas gusto ko talagang humilata na lang dahil sa maghapong pag-aayos nitong condo e, kaysa ano pa man.

"Libre mo 'to, ha?"

"Syempre naman."

Tumayo ako't nag-inat bago dumiretso sa banyo para mag-shower saglit, pampagising lang ng diwa. Pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba kay Jade na isinasama ako ng boyfriend niyang mag-road trip ngayon habang nasa study group dapat sila, pero naisip kong problema na nila 'yon at hindi ako makikisali. 'Pag ganyan kasi 'yang si Bryan na nagyayayang magbulakbol, isa lang usually ang problema niyan: 'yong parents niya. Ewan ko lang ngayon. Pero, safe na sigurong i-assume na 'yon ang dahilan.

Generally, masasabi kong nagagawa ko namang maging neutral sa kanila. Mabait naman kasi sa 'kin sina Tito't Tita—actually halos ampunin na nga nila 'ko e—at ayaw ko namang sabihin nilang iniimpluwensiyahan ko si Bryan na kalabanin sila. Kaya, hangga't maaari, lagi kong kinokumbinse si Bryan na makipag-compromise na lang sa mga gusto nila. Syempre, lagi ko rin sinasabi kay Bryan na hindi matatapos 'yong maya't mayang banggaan nila kung hindi sila mag-uusap nang masinsinan tungkol sa mga gusto nila sa buhay.

At hindi ko rin nakakalimutang sabihing hindi ko alam kung tama ako kasi pinalaki ako sa layaw ng lola ko kaya hindi siya dapat sa 'kin nakikinig.

Kaso, usually, nakikinig siya sa 'kin e. Maliban na lang do'n sa pakikipag-usap ng masinsinan sa parents niya. At naiintindihan ko naman kung bakit.

Kasi, ako nga, ni hindi ko nasabi kay Lola 'yong tungkol kay Thor e.

Siguro, may mga bagay lang talagang pakiramdam natin, dapat sa 'tin lang.

Nasa sofa na si Bryan nang lumabas ako mula sa banyo. May binabasa siyang papel sa kamay niyang, nang mapansin niyang nakalabas na ko't nakatingin sa kanya, ay iniangat niya sa ere't halos iwagayway. Binigyan niya 'ko ng isang napakanakakagagong ngiti at sinabing, "Kulang na lang 'I love you' ah!"

Napakunot ang noo ko sa kanya. "Pinagsasabi mo?"

"Ampogi mo talaga, Yuey." Sabay biglang tawa.

Bukod sa hawak niyang papel, mayro'n ring sobreng nakalapag sa table. Alam kong hindi sa 'kin 'yon, kaya kinutuban na 'ko. Ngayong araw na 'to kasi, si Mark lang naman ang nakasama ko dito sa condo.

"Ano 'yan?"

Umupo siya nang maayos at umaktong seryosong babasahin 'yong papel.

"March three, twenty seventeen—oh, kahapon lang—alam kong March four na talaga ngayon, Sir, hehe—ang corny, puta!" Tumawa siya. "Dear Ate Charo—ay male!" Humagalpak siya, galak na galak lang. "Dear Yuan pala."

Nanlaki 'yong mga mata ko, kasabay ng biglang kaba sa dibdib ko.

"Bago ako matulog ngayong gabi—"

Nagmadali akong lumapit sa kanya. "Bryan—"

"—gusto ko lang na—"

"—akin na 'yan!" Inilahad ko ang kanan kong kamay sa kanya.

"—simulan na ang—"

"'Tang ina ka talaga, oh!"

"—panliligaw ko sa 'yo." Sabay tawa ulit nang malakas.

Putek.

Kahit na gustong gusto ko nang hablutin 'yon mula sa kamay ni Bryan, hindi ko naman magawa. Nag-aalala kasi akong baka mapunit 'yon nang di sinasadya. At oo, kahit sinabi ni Bryan na corny, gusto kong malaman kung ano 'yong lahat ng nakasulat do'n.

"May gan'to ka pala, 'di mo sinasabi." Itinupi niya 'yong papel at ibinalik sa loob ng sobre.

"Gago ka ba? 'Di ba binasa mo 'yung date? Kahapon lang 'di ba? Pakealamero kang puta ka!"

"Galet na galet." Tinawanan niya lang ako at iniabot sa 'kin 'yong sobre. "Oh."

Napailing na lang ako sa inis.

"May luma-love letter pa pala sa panahon ngayon."

"Ulul," halos pabulong ko nang tugon, "umuwi ka na nga."

"Talaga? 'Pagpapalit mo 'ko sa love letter?"

"Uubusin ko muna laman ng wallet mo," sabi ko bago dumiretso sa kwarto ko para magbihis.

Nahimasmasan naman agad 'yong naramdaman kong galit matapos kong pabalibag na isara ang pinto. Pero, ramdam ko pa rin 'yong inis sa ginawa ni Bryan.

Inunahan pa talaga niya 'kong basahin 'yon.

Mga trenta minuto pagkatapos, binabaybay na namin ang SLEX pa-timog. Batangas, Laguna, o Tagaytay, hindi ko alam kung sa'n kami pupunta. Hindi ko rin naman tinatanong si Bryan kasi hindi ko pa rin siya kinikibo hanggang ngayon at hindi rin naman siya nagsasalita. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, pero ako, blangko lang akong nakatingin sa dinaraanan namin.

Napabuntong hininga ako nang malagpasan namin 'yong malaking landmark ng Nuvali. Sa isip-isip ko, alas nuwebe na ng gabi; ano naman kayang mapapala namin sa Tagaytay nang ganitong oras kun' di bulalo? Buti na lang pala at hoodie ang sinuot ko.

Ilang saglit pa ay tumugtog 'yong intro ng unang kanta sa paboritiong album ng Bon Iver ni Bryan. Na-memorize ko na lang din dahil lagi niyang pinapatugtog 'yong album sa kotse. Pang-road trip kasi 'yong album e, 'yong tipong sumesenti ka habang nagda-drive para maglayas. Parang si Bryan lang ngayon.

Napa-tss ako.

"Nagsisimula ka na naman kasi e."

"Ano na naman?"

"Bumubuntung hininga ka na naman. Ta's walang tigil na naman 'yan. 'Kala mo di nakakairita e."

"Tahimik pala gusto mo e 'di sana mag-isa kang nag-road trip."

"Tss."

Tumingin ako sa kanya't nag-mime na may hinulog akong microphone. "Speechless, muddahfuckah!"

"Tss."

"Tss."

Hindi na siya sumagot, kaya sinabayan ko na lang 'yong kanta.

Only love is all maroon

Lapping lakes like leary loons

Leaving rope burns

Reddish rouge—

"Nagalit ka kanina, 'no?" sabi niya no'ng nasa may Tagaytay na kami.

'Di ko alam kung eksaktong nasaan na kami, pero kakaliko pa lang namin pa-kanan sa direksyon papuntang Rotonda. Nasa kaliwa ng kalsadang binabaybay namin ngayon dapat natatanaw 'yong Taal Lake kaso hindi ko naman maaninag kahit na wala namang hamog sa hangin dahil sa dilim na nababalot do'n.

Hindi ko sinagot 'yong tanong ni Bryan. Sinasabayan ko kasi 'yong kantang kasalukuyang nagpe-play. Isa kasi 'yon sa mga paborito ko. Saka, alam naman ni Bryan na 'yong hindi ko pagsagot sa kanya ay hindi sa ayaw ko siyang pansinin. Talagang mas gusto ko lang pagtuunan ng pansin 'yong kanta. Gano'n kasi 'yon kaganda e. Sa gano'ng aspeto, kilala na niya 'ko.

There's a black crow sitting across from me.

His wiry legs are crossed.

He's dangling my keys; he even fakes a toss.

Whatever could it be that has brought me to this loss?—

"Alam mo," sabi ni Bryan, "dapat tugtugin natin 'yan sa Two-Twenty."

"Tss. Hindi naman ganyan tunog natin."

"Next, next week. Acoustic tayo, 'di ba?"

Pagkatapos kasi nitong darating na finals week para sa 'ming mga graduating, 'yong susunod na linggo naman ang finals week no'ng mga lower years at kasama na do'n 'yong kambal. Kahit na sabihin pa nilang gusto nilang tumugtog, hindi pa rin ako papayag na mag-full band kami dahil alam kong mas kailangan nilang mag-aral kaysa mag-practice. I mean, engineering kasi 'yon. Diyos lang ang hindi nag-aaral para do'n.

Kaya, pagkatapos nitong linggong acoustic kaming tutugtog ng kambal, 'yong susunod na linggo naman ay acoustic pa rin kami pero ang kasama ko na ay sina Bryan at Chester.

"Pwede pala tayo mag-three piece pero"—natawa ako—"'wag na lang pala," pagbabago ko ng isip. "Sisigawan mo lang ako e. Hindi tayo matatapos mag-practice 'pag nagkataon."

"Ba't kasi 'di mo seryosohin? Ang dami mong time para pag-aralan e."

"Tss. Para sa'n? Kayong tatlo no'ng kambal marurunong mag-bass lahat. Sooowww, kakanta na lang ako."

"Wala ka kasing hobby. Masama 'yon. Puro ka tulog. Kahit dota ayaw mo, ta's—"

"Nagbubuhat ako. Hobby 'yon."

"Exercise 'yon, tanga."

"Maka-tanga ka, ha? Nagbabasa 'ko. Hobby 'yon."

"Tss. Ang hobby laging ginagawa. Mas lamang ang oras ng pagtulog mo e. Hindi normal 'yon."

"At least, 'di ko hobby mag-post sa Facebook ng pic ng bestfriend ko."

"Hindi hobby 'yon. Entertainment ang tawag do'n. Saka proud lang akong artistahin ka, 'no!" Natawa siya. "Kaso, sayang lang 'pag nalaman ng mga fans mong napaka-boring mong tao."

"'Tang ina mo e. Pinaggagawa mo sa Facebook ko."

"Dami mo follower, 'no?" Napahampas pa siya sa manibela. "Partida na nga 'yon e, puro tag lang. 'Di ka pa naghuhubad ng lagay na 'yon."

"Tss."

"Parang mas gusto ko ng gano'ng trabaho na lang. Dapat pala marketing ang kinuha ko e."

"Ay!" Bahagya 'kong natawa. "Simula na ba ng seryosong usapan?"

Umiling lang siya't natahimik. Binagalan na rin niya ang pagmamaneho at ibinaba 'yong bintana naming dalawa pagkatapos i-off 'yong AC at music habang naghahanap ng bulalohang maganda ang pwesto.

"Kahit sino naman kasi, Bry, magagalit 'pag nauna ka pang magbasa nu'ng la—uh, sulat—"

"Love letter. Diretsuhin mo na."

"—para sa kanila. Sa'n mo pala nakuha 'yon?"

"Sa counter. Teka, ano pala nangyari sa condo mo? Ba't nasa kwarto mo 'yung weights at 'yung bench?"

"Sa Monday na kasi dating ni Yuri. Kaya tinanggal ko lahat 'yung laman nu'ng isang kwarto."

"Weh, ikaw lang?"

"Si Mark, tinulungan ako."

"Si boyfriend naman pala."

"Boyfriend ka 'jan."

"Du'n din naman punta nu'n."

"Tss."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kung banggitin kasi 'yon ni Bryan, parang wala lang, parang nagsasabi lang ng direksyon sa kalye, samantalang galit ang una niyang reaksyon no'ng ikwento ko sa kanya 'yong nangyari sa 'min ni Thor. Hindi naman sa gusto kong magpaka-super saiyan ulit siya ngayon, pero siguro, umaasa lang akong may kaunting reaksyon pa rin siya kahit papa'no.

Ilang saglit pa ay pumaparada na kami sa tapat ng isang bulalohan. Kinailangan pa naming umakyat ng hagdan para marating 'yong mismong kainan, pero masasabi kong maganda nga ang pwesto no'n kung hindi lang mag-aalas diyes na ng gabi ngayon at wala kang makita sa Taal kun' di mga maliliit na ilaw sa malayo. May mga table 'yong kainan na naka-cottage ang pagkaka-style—parang pang-animan ata 'yon. Sa isa no'n sa dulo kami pumwesto. Maya't maya rin kung umihip ang malamig na hangin, perfect para humigop ng mainit na sabaw.

"Magkakanin ka?"

"Ayo' ko," sagot ko.

"Okay."

Habang kausap niya 'yong lumapit sa 'ming server na tingin ko'y may-ari rin nitong kainan, 'di ko naiwasang mapatitig sa direksyon ng Taal. Kahit na halos wala nga 'kong makita ro'n ngayon, ramdam kong mayro'n pa rin iyong bagay na kahit papa'no'y nakapaghahatid ng katahimikan sa isip ko—ewan ko, hindi ko alam. Siguro, 'yong dahil sa—kung medyo lalawakan ko ang imahinasyon ko—para 'kong napalilibutan ngayon at naging bahagi ng kawalan sa harap ko.

Somehow, comforting para sa 'kin 'yong idea na 'yon.

Na baka isa lang akong maliit na bahagi ng isang malaking buong wala ring alam sa kung ano ang dapat na mangyari.

Parang tubig lang.

Minsan yelo, minsan hamog.

'Yon nga lang. Parang madalas, hamog ako e.

"Oy, Yu. Baliw ka na?"

"Pinagsasabi mo," sagot ko kay Bryan, kasama ang ngising hindi ko pa nabubura sa mukha ko.

"Tss. 'Wag ka kasi tumawa mag-isa."

"Ulul."

"Oo nga! Ganda nga ng ngiti mo oh," sabi niya habang pinapakita sa 'kin 'yong screen ng phone niya kung saan nakangisi ako't nakatingin sa malayo. "Wait lang, send ko sa 'yo. Upload mo sa I.G.—'yung Instagram 'yon. Para naman madagdagan ang post mo do'n. Takte, prom pa huling post mo e. Na-sync ko na rin 'yon sa F.B. mo kaya 'matic upload na 'yon do'n."

"Bry? 'Di ka ba nawiwirduhan sa ginagawa mo?"

Natawa siya. "'Di ko naman ginagawa 'yun para sa 'kin or sa 'yo e. Request 'yun ng mabait mong kapatid—"

"Si Yuri?"

"—na idol na idol ka. May iba pa ba?"

"Gago. Ba't naman siya magre-request ng gano'n?"

"Ewan ko?" may pagka-sarcastic niyang pagkakasabi kasabay ng pagkibit-balikat. "Baka kasi nu'ng tinigil mo paga-update ng F.B. mo, wala na rin siyang balita sa 'yong hayop ka, 'di ba?"

Oo nga. Bakit ba hindi ko 'yon naisip dati?

"Sorry, Bry. E ba't 'di na lang niya ko i-text or tawagan? O kaya sana sinabi mo sa 'kin."

"E kasi, nahihiya daw siya sa 'yo." Tumawa siya. "'Alang 'ya, sa 'kin 'di nahiya e! 'Tsaka ayaw mo nga mag-Facebook dati, 'di ba? Kasi nga ''tang inang Thor 'yon!'" panggagaya niya sa 'kin kuno na ikinatawa ko. "So, alangan namang pilitin kita. Siguro, talagang punong puno na lang 'yon do'n sa parents niyo kaya wala na siyang choice ngayon kun' di tawagan ka. Which is, masasabi ko, sobrang nag-improve 'yung quality of life ko lately, alam mo ba 'yon? Dati para 'kong may dalawang anak na needy. Ngayon, isa na lang."

"'Di ako needy, ah!"

"'Yun na nga e! Sobrang akala mo hindi ka needy kaya wala ka na pakialam sa iba. Para kang ermitanyo kung mag-isolate ka ng sarili mo. Bibili ka nga ng phone; ta's 'di mo gagamitin. Ayaw mo naman tumira du'n sa bahay. 'King ina!"

"Bryan—"

"'Wag mo 'kong ma-Bryan-Bryan!" Sabay tawa. "'Tang ina, nagamit ko rin!"

Hindi ko alam kung anong biglang ikinatatawa niya pero nang napatingin ako sa paligid, napansin kong may mga nakikiusyoso na nga sa 'min. Halos sinisigawan niya na kasi ako e. Hindi ko tuloy alam kung ako ba talaga ang dahilan ng pagro-road trip niyang 'to o kung hindi man ako, baka naha-hijack ko na 'yong totoong dahilan.

Hindi ko naman kasi alam na ganyan siya ka-stress sa 'kin. E ang gusto ko lang naman, 'yong wala akong maabalang ibang tao. I mean, alam ko namang hindi na iba si Bryan sa 'kin, pero all the same, ayaw ko pa ring maging abala sa kanya. E ang kaso pala, mukhang lalo lang pala siyang naabala sa paniniguradong buhay pa 'ko, habang ang totoo naman, gusto ko lang talagang manahimik. Sobrang ironic lang.

"Sir? Order niyo po."

Magkakasunod na inilapag no'ng server ang dalawang palayok ng bulalo at dalawang mangkok, pati na rin baso, kutsara, tinidor, pitsel ng tubig, at isang plato na may dalawang cup ng rice.

"Bry. Sorry, ha?" sabi ko pagkaalis no'ng server at sumasalok na kami ng kanya-kanyang pagkain. "Kaya ko naman kasi sarili ko."

"Tsk. 'Di naman 'yan ang point ko, Yuan." Umiling siya't bumuntong hininga. "Hay nako. Buti na lang talaga dadating na pala si Yuri. Kaso coding ako no'n, Monday. Pa'no 'yon?"

"Gabi dating niya. Eight-forty-five ang E.T.A. niya kaya pwede pa ren. Kung pwede ka."

"Ah! Oh sige, sakto pala e. Lokong 'yon, 'di ako sinasabihan."

"'Kakahiya daw sa quality of life mo e."

"Tssss—so. Magpapaligaw ka talaga kay Mark?" may pagkaseryoso at bigla-bigla niyang pagpapalit ng topic.

Nagkibit ako ng balikat at inilapag sa mangkok 'yong sinusupsop kong bulalo bago napabuntong hininga. Tinignan ko siya at sinubukang basahin kung ano talagang iniisip niya tungkol sa subject na 'to, pero either magaling siyang magtago or talagang wala lang siyang pakialam. Na parang imposible naman.

"Sa totoo lang... ewan ko ba. 'Di ko alam kung caught in the moment ba 'ko kahapon o ano. Pero pinag-isipan ko pa rin naman 'yon. 'Tsaka...." Nagkibit-balikat ako. Ramdam kong namumula ang mukha ko.

"Tss." Umiling siya. "Gusto mo kwento ko na lang sa 'yo 'yung laman nu'ng love letter niya?" Ang laki ng ngisi niya, halatang nang-aasar.

"Love letter ka 'jan."

"Tawag mo du'n?"

"Tss." Ako naman ang umiling ngayon. "Alam mo, sabihin mo na lang kung ano problema mo. Hindi 'yung ako pinagtitripan mo."

"Simple lang naman 'yun, ngayong nakapag-isip-isip na 'ko," sabi niya. "Nagpaalam kasi akong mag-second course kina Dad. Kaso, ang sabi sa 'ken, papayag lang daw sila kung ituloy ko sa med na. E ayo' ko, kasi ang gusto ko sana nga is marketing. 'Ayun, the usual, nag-away kami."

Tumango-tango ako. Sa totoo lang, ngayon niya lang nabanggit sa 'kin 'tong second course. Usually kasi, 'pag pangarap ang usapan—na hindi ko masakyan talaga—rock star ang gusto ni Bryan.

Kaso nga lang, 'pag kumakanta siya, kung hindi man isa sa tatlong bagay ang nangyayari, lahat naman 'to nagsasabay-sabay: naninikip sa kaba 'yong lalamanan niya, hindi niya gusto 'yong narinig niya sa sarili niyang boses, o kaya'y hindi siya papansinin ng audience. Masaklap, pero tanggap naman niya.

Kung ako ang tatanungin, masyado lang kasi siyang maraming iniisip 'pag kumakanta siya. Kasi, 'pag kami-kami lang naman ang magkakasama at naisipan niyang kumanta, wala naman siyang issue e. Imposible namang may stage fright siya, kasi wala na 'kong iba pang kilalang masmataas ang confidence level sa stage 'pag may hawak na gitara kun' di siya. Masyado lang talaga siyang nako-conscious sa boses niya.

"Marketing?"

"E na-realize ko lang kasi na na-enjoy ko pala 'yung pagpapasikat sa 'yo," sabi niya sabay tawa nang malakas.

"'Kala ko ba request ni Yuri 'yon?"

Tinawanan niya lang ako.

"Gago ka. Takang-taka ako kung ba't hindi nauubos mga nagpapa-pic sa 'ken."

Tawa pa rin siya nang tawa. "Ta's naki-join pa 'yung tatlo. Pero seryoso, nagre-request talaga si Yuri ng mga update sa 'yo. Malay ko bang marami palang may trip sa mga kung ano-anong ginagawa mo sa buhay."

Umiling na lang ulit ako. "So pa'no na 'yung problema mo?"

"'Ayun na nga. E kaya ko lang naman naisipan mag-second course, kase para mag-banda"—natigilan ako sa pagnguya—"e kung gusto nila ng med, sige papayag na 'ko."

Mabilis kong nilunok 'yong karne ng baka sa bibig ko. "Sira ulo ka! E di parang niloko mo lang parents mo no'n."

"Hindi naman sa gano'n. E di kung walang mangyari sa 'ten, e di tuloy na 'ko maging doktor," sabay kibit-balikat.

"Sarili mo naman pinahirapan mo. 'Kala mo ganu'n-ganu'n lang mag-med?"

"Alam ko naman 'yon. Saka okay lang naman din 'yun sa 'kin e. I have the passion to heal the sick," pangbu-bullshit pa niya nang may kasama pang kamao sa dibdib.

"Ulul."

"You can't change my mind."

"Di 'wag."

Masarap naman 'yong bulalo. Tama lang na tig-isang palayok kami ni Bryan. Kung wala kasing kanin, sakto lang siya sa sikmura at hindi pambusugan. Lalo na kung katulad kong hindi naman lumalaklak ng sabaw. Tamang higop lang kasi ako usually, ta's papak no'ng gulay at baka.

'Di katulad nito ni Bryan na nakadalawang cup pa rin ng kanin. Kung sa bagay kasi, mas active naman din ang lifestyle niya sa 'kin. Parang laging hindi nauubusan ng gagawin 'yan. Ta's nakukuha pang mag-road trip tulad nito. Pero kahit na masmarami 'yan kumain kaysa sa 'kin, mas nauuna pa rin siyang matapos.

Tulad na lang ngayon.

"Alam mo, bilisan mo na," sabi niya. "Hindi tambay ang pinunta natin dito. Road trip 'to. 'Tang ina, na-miss ng utak ko 'yung ganitong walang pinag-aaralan e! Two weeks na kaming naggu-group study. Balak 'ata nila Jade mag-tie kami lahat sa top one sa board exam kase."

Nagkatawanan kami.

"'Susumbong kita."

"Tingin mo, kami kaya talaga hanggang sa hule?"

Natigilan ako. "Oh. Anong meron?"

"Wala. E baka kasi 'pag nalaman niya mga plano ko sa buhay...." Bumuntong hininga siya.

"Sabihin mo na lang kasi sa kanya. Understanding naman 'yon e," sabi ko bago isubo 'yong huling piraso ng baka sa mangkok.

Bumuga lang siya ng hangin sa ilong at nagkibit-balikat bago sumenyas sa server na magbi-bill out na kami. Pagkabayad, umalis na rin kami agad.

Kahit na sinabi pa ni Bryan na hindi pagtambay ang ipinunta namin dito sa Tagaytay, natagpuan pa rin namin ang mga sarili naming naka-park sa gilid ng kalsadang tapat ng isang banging naka-overlook sa Taal. Bago nito, saglit din kaming dumaan muna sa 7-Eleven kung saan ang pinabili ko lang kay Bryan ay 'yong Gatorade, 'yong Blue Bolt—'di ko alam kung bakit pero sobrang trip na trip ko 'yong lasa no'n—kaya 'yong 1.5 liters na ang binili niya para sa 'ming dalawa, chicken nuggets, at saka kung ano-anong mga tsitsiryang malamang ay hindi naman namin mauubos.

Kapwa kami nakaupo sa damo, nakasandal sa kotse niya, at nakaharap sa Taal habang nagsasalitan ng lagok sa Gatorade. Unti-unti nang naging appealing para sa 'kin ang pagkakabalot ng lawang iyon sa dilim habang napalilibutan ng mga mga maliliit na ilaw.

"Yu." Seryoso 'yong tono ni Bryan. "Ba't di na lang kaya ikaw bumili du'n sa share ni Sir Kevin sa Two-Twenty?"

Natigilan ako't napalingon sa kanya.

Sa totoo lang, ngayong nabanggit niya 'yan, saka lang din 'yan pumasok sa isip ko at agad ko ring naisip na baka pwede pala. At gusto ko. Kung sakali kasi, pwede kong gamitin 'yong perang bigay ni Lola. Hindi ko kasi 'yon ginagalaw, na dumating sa puntong minsan, nakakalimutan ko nang nag-e-exist 'yon. Kahit kasi hindi ko hinihingi, halos dumoble 'yong allowance ko kina Mama mula no'ng mamatay si Lola at maiwan akong mag-isa lang dito sa Pilipinas. Bukod sa kasya na 'yon sa mga buwanang gastos ko kasama na pati 'yong association dues sa condo, nakakapagtabi pa 'ko ng sarili kong savings.

"I mean, obviously, baka medyo malaki 'yon," pagpapatuloy niya, "pero malay mo, kaya mo naman 'yung price."

Tumango ako. "Itatanong ko sa kanya. Sana kaya ko," sabi ko sabay tawa. "Kung malugi ako, magpapaalipin na lang muna 'ko kay Yuri."

"Kung wala ka nang pera, check mo Messenger mo. Daming nag-aalok ibahay ka du'n, artista pa 'yung iba kaya hindi ka na luge. E 'kala ko pa naman rich kid 'yan si Mark kaya boto ako nu'ng una, 'yun pala, ilang taon pa hihintayin mo 'jan."

"'Tang ina ka talaga." Umiling ako. "Pero seryoso, Bry. Ayos lang ba talaga sa 'yo? 'Yung kay Mark? Feeling ko kasi... oo, mabilis, pero feeling ko"—huminga ako nang malalim—"may chance."

Tumawa siya. "Sira ulo ka! Ba't ka ba nagpapaalam sa 'ken e buhay mo 'yan? May magagawa ba 'ko? 'Pag sinabi ko bang 'yung friend na lang ni Jade, liligawan mo? E ngayon ka nga lang ulit tumingin sa tao e—'kala mo ba 'di ko napapansin?—kaso sa lalake naman. Putang inang Thor kasi 'to ginawa kang bakla e!"

"'Di ako bakla."

"E di bisexual! Gano'n din 'yon."

'Di ako sigurado pero parang may galit 'yong tono niya kaya nalito ako. Kanina kasi, parang wala lang naman 'to sa kanya, pero ramdam ko ngayon na mayro'ng... something. Ewan ko. Medyo nagsisisi tuloy ako na nagtanong pa 'ko. Kaso, mahalaga kasi sa 'kin 'yong opinyon ni Bryan. Lalo na sa mga ganitong bagay.

"So okay ba sa 'yo o ano? Para kasing hindi e."

"E kase—'tang ina kasi e." Bumuntong hininga siya. "Okay sa 'ken, okay? Wala 'kong issue. Mas boto lang ako sa iba—'tang 'na talaga. Actually, kung may liligawan kang girl, mas boto ako do'n."

"Ang gulo mo."

"Anong magulo do'n? Basta, wala 'kong issue. Tapos. 'Tsaka nu'ng nabasa ko 'yung love letter n'ya sa 'yo, parang gusto ko na rin siya pakasalan e."

Natawa ako. "'Kala ko ba corny?"

"Ewan ko. Sa pagkakakilala ko sa 'yo, feeling ko, 'pag ikaw bumasa no'n... hay nako. 'Wag na nga. 'Di ko na spoil sa 'yo pero sabi niya sana daw bottom ka kasi sayang naman daw 'yung ten inches niya."

"Putang ina mo."

*

Song credits:

Flume by Bon Iver
Songwriters: Justin Deyarmond Edison Vernon
Flume lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC, Kobalt Music Publishing Ltd.

Re: Stacks by Bon Iver
Songwriters: Justin Deyarmond Edison Vernon
re: stacks lyrics © April Base Publishing


   
Buy Me A Coffee