18
"Hey, Bro, you mad?"
Kumabog nang malakas ang dibdib ko at halos tumalon ako sa gulat.
Kasalukuyan kaming magkatabi ni Yuri sa kama. Si Papa kasi, do'n ko na lang pinatulog sa couch. Pero, kanina pa 'yon. Lagpas alas dose na ng hatinggabi ngayon, sabi ng phone ko. Akala ko, tulog na si Yuri. Nakatalikod kasi ako sa kanya dahil kanina ko pa kausap si Mark sa Messenger. Pinipilit niya nga 'kong mag-video call, kaso sabi ko may katabi akong tulog. No'ng una kasi, sinabihan ko lang siya na 'wag na muna 'ko dalhan ng almusal bukas—kung 'yon man ang pinaplano niya. Nakakahiya na nga kasing dinadalhan niya 'ko ng pagkain, tapos may dadagdag pang dalawang tao. Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan namin at inabot na ng hatinggabi kaya akala ko, ako na lang ang gising ngayon.
Obviously, bothered pa rin si Yuri na hindi niya nasabi sa 'king kasama niya si Papa sa pag-uwi.
Pinatay ko 'yong screen ng phone ko, at pansamantala akong walang nakita dahil binalot muli ng sobrang dilim ang kwarto ko. Tumihaya ako't lumingon sa direksyon ni Yuri. Kahit madilim, aninag kong paharap siyang nakahiga sa 'kin. "'Di ako galet, Ri. Ayos lang. Na-surprise lang ako. Um, did he tell you why he's here?"
"No. He just said he'd be here for a few days. I didn't even know 'til he was checking in right behind me. I thought the suitcase he brought was for, you know, those guys."
Translation: 'yong mga kamag-anak namin. Tuwing binibisita kasi nila 'ko dito, nag-uuwi si Papa ng mga pasalubong para sa kanila.
Bahagya 'kong natawa. "Not your fault. Baka maghihiwalay na talaga sila."
Hindi siya sumagot, at kahit na sa 'kin siya nakaharap, alam kong wala sa 'kin ang tingin niya.
"I mean, don't get me wrong, Ri. I don't want them to. 'Tsaka obviously, you have better memories of them, pero the way they've been for the past few months... you have to admit it looks like that's where they're going."
Narinig kong bumuntong hininga siya bago umusog papalapit sa 'kin. "I know."
"Na-stress ka, 'no?"
"You have no idea! If not for that diploma thing, I woulda been here earlier. Anyway"—tumawa siya nang mahina—"who was that you're talking to? P'rang kil'g ka e."
"Kilig ka 'jan." Ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko sa tanong ni Yuri. Buti na lang at madilim kaya walang makakakitang namumula ang mukha ko.
"I swear, kin'kil'g ka."
Tumawa ako. "Ano? Ayusin mo nga Tagalog mo."
"Come on, Kuya. My Tag'log's fine."
Actually, hindi ko naman gustong itago kay Yuri 'yong tungkol kay Mark, lalo pa ngayong titira kaming dalawa sa iisang bahay. Natutuwa lang talaga 'ko sa pangungulit niya. Napag-isipan ko na rin 'yong kung sakaling hindi siya sang-ayon sa kung ano mang mayro'n sa 'min ni Mark, at nakapag-desisyon na 'kong kung gano'n man, masmahalaga pa rin sa 'kin si Yuri. Sa ngayon. Hindi naman sa ilalaglag ko si Mark; hindi ko na lang siguro ipapakita kay Yuri 'yong parteng 'yon ng buhay ko. Pero, syempre, umaasa pa rin akong tanggap niya 'ko. Lalo na, galing siya sa Canada, kung saan mas open ang mga tao sa ganito.
"Biro lang," sabi ko sa kanya. "Actually"—tumitig ako sa direksyon ng kisame't bumuntong hininga, kasabay ng paghahalo ng takot at kaba sa dibdib ko—"I'm kinda seeing someone. Though... I don't think that's how he sees it. He's kinda old-fashioned. He wants to do that ligaw stuff with me. It was kinda my fault though."
"He?"
Tumingin ako kay Yuri, sa general direction ng mga mata niya. Buti na lang talaga, naka-blackout blinds ang kwarto ko; hindi ko masyadong aninag 'yong expression sa mukha niya. Pumikit ako't nag-cross fingers sa ilalim ng blanket. "Yeah, Yuri. He."
"Oh!" Natahimik siya ng ilang segundo. Kaso, dahil sa kinakabahan ako, pakiramdam ko umabot 'yon nang isang oras. "You're gay?" Mahinahon naman 'yong tono niya, 'yong usual niya lang 'pag kausap ko siya, kaya kahit papa'no, nabuhayan ako ng loob.
"Well, um... bi, maybe? I've never really—I mean—shit. Kase it's...." Napabuntong hininga ulit ako. "Okay. Kung kelangan talaga ng label—sige—maybe I'm bi."
"Oh... I thought...."
"Ano?"
"It wasn't why you, uh, and Hannah broke up?
Tumawa 'ko nang mapakla. "Why would you ask that?"
"Well, she was your last girlfriend. She was your last anything."
Oo nga naman.
"Tsismoso ka rin e, 'no?" Nagkatawanan kaming dalawa. "'Di 'yun 'yung saktong dahilan pero... I mean, wala na kasi 'yung feelings e. Basta. Complicated."
"Hm. Well, it's okay," sabi niya. "So what—"
"Okay?"
"—about—huh? Oh! Yeah, Bro, it's okay. Really." Naramdaman ko 'yong kamay niyang humawak sa braso kong nasa ilalim ng blanket at pumisil. "I don't really care."
Sa sinabi niya, ramdam kong masmaluwag na 'kong nakakahinga kumpara kani-kanina lang, at 'yong takot at kaba ko, napalitan naman ng saya. "Thanks, ha? I know lately lang ulit tayo nag-usap, pero," sabi ko sa kanya, "um, thank you."
"Dude, don't make it weird." Muli kaming nagkatawanan. "So, who's the lucky guy?"
Wala na nga 'kong nagawa kun' di ikwento sa kanya 'yong mga kakornihan ni Mark. At—ewan ko ba—ngayong ikinukwento ko, saka ko lang napansin na nitong mga nakaraang araw, todo effort pala 'yon sa 'kin. 'Di ko tuloy mapigilang makaramdam ng hiya sa taong 'yon, pero at the same time, 'di ko maikakailang may kung ano sa dibdib kong gusto 'yong gano'ng klaseng atensyong ibinibigay niya sa 'kin.
Putek.
Kaso—walang 'ya—halos gawin pala 'kong imbalido no'n. Buti na lang, hindi ko hinahayaang maghugas 'yon ng mga pinagkainan namin. Mukhang masgusto pa yata kasing maging alalay ko e. At least, ngayong pansin ko na, pwede ko nang itama. Kahit naman tamad ako, ayaw ko pa ring parang babasagin ang pagtrato niya sa 'kin.
Na-curious tuloy ako kung wala bang naiwan si Yuri do'n sa Canada. Pero, hindi naman siya siguro magiging atat na umuwi dito kung sakaling mayro'n man. Nakakahiya nga lang na 'yong mga bagay na alam ko tungkol sa kanya, puro superficial lang. Mukhang gano'n din naman siya sa 'kin, kaso ang kaibahan lang, masmarami siyang alam na detalye sa 'kin kumpara sa mga alam ko sa kanya. Siguro, ang pinakaikinasisiya ko na lang talaga ngayon ay 'yong kumpirmasyon na malaki pa rin 'yong pag-asang bumalik ang samahan naming magkapatid sa samahan namin no'ng mga bata pa kami.
Tutal, mukhang wala naman na 'kong sikreto pang naitatago sa kanya, kaya sana, tuloy-tuloy lang na ganito kami.
Sana.
Kinaumagahan, saktong 7:30, hindi ang pag-doorbell ni Mark ang gumising sa 'kin, kun' di ang alarm naman ng phone ni Yuri. Agad ko iyong pinatay, bago lumabas ng kwarto para maghilamos na. Sa magkakasunod na tatlong araw na panggigising sa 'kin ni Mark, parang nasanay na rin 'ata agad 'yong body clock kong bumangon nang ganitong oras. Kahit na masarap pa sanang matulog, wala na 'kong magawa dahil talagang gising na ang diwa ko.
Saglit akong natigilan nang makita kong wala ang papa ko kahit saan. Maayos na ring nakatiklop 'yong blanket na nakapatong sa unan sa couch kung sa'n siya natulog. Nagkibit-balikat na lang ako bago tumuloy na sa banyo't naghalimos. Nang dadamputin ko na 'yong mga ginamit niyang beddings para iligpit sa kwarto ko, napansin kong may iniwan siyang note sa table.
"I have an appointment. See you guys later. Will treat you to dinner. - Dad"
Talaga ba? Bahagya 'kong natawa't napailing.
Dahil tulog pa si Yuri, naisipan kong simulan na ang paghahanda ng almusal namin. Aminado naman akong hindi kasing dami ng alam ni Mark ang nalalaman ko sa kusina e. Kaya, no'ng nag-grocery kami no'ng Sunday, puro pangmabilisang handaan lang ang mga binili ko, lalo na sa mga pang-almusal dahil 'yon ang pinakauna naming kailangang ihanda at kainin. Kaya iyan, may isang tray ako ng itlog na maalat ngayon—pwedeng ulam, pwede ring sandwich. Sa pagkakatanda ko naman sa kapatid ko, hindi naman mapili 'yan sa pagkain basta may lasa e.
Nasa kalagitnaan ako ng paggagayat ng mga kamatis nang lumabas na si Yuri sa kwarto ko. Napangisi ako't muntik matawa sa itsura niya. Ang tanging suot lang niya ay 'yong boxers niyang nakabukol pa hanggang ngayon at isang head gear na kasalukuyang may nakakabit na GoPro. May hawak siyang isa pang camera sa kanan niyang kamay at sa kaliwa, hawak naman niya 'yong phone niya.
"Morning, Bro!"
'Takte, may pagka-morning person nga pala 'to.
"Morning. You should get rid of that first," sabi ko habang itinuturo ang hawak kong kutsilyo sa bukol niya.
"Ah! My brother, the prude! Say it, man. Boww-nurr. Boner."
Natawa ako. "Gaaah-guuh."
"Oops! No Tag'logs. I'm vloggin'—"
"Seriously?"
"—right now. Ya know him, right, guys? My brother? He's hot, right? Mmm!" Tinutok niya 'yong camera sa dibdib ko. "Look at those pecs, those nips!"
'Di ko napigilang mapangisi. "Tutuliin kitang supot ka."
"Kuya!"
Tumawa ako. "Good luck translating that."
Itinayo niya 'yong camera sa kamay niya sa pinakadulo ng mesa, do'n sa side na pinakamalayo sa 'min. Pagkatapos, hinila niya 'yong isang bean bag at naupo sa tapat ko. "So, Chef Yuan, what're you makin'?"
Ngumisi ako. "Breakfast?"
"Dude, I know! But what exactly?"
Napakamot ako ng ulo. "Ri, kelangan ba talaga kasama 'ko 'jan?"
"Oo, Kuya. For your band," tatawa-tawa niyang sagot sa 'kin na alam ko namang bullshit lang. Hindi na siguro talaga ako dapat magtaka kung bakit sila magkasundo ng Bryan na 'yon.
"For our band? Tss. Fine, whatever."
"So, what's for breakfast?"
"Salted egg and tomato salad?" pagkikibit-balikat ko. "I dunno really. I dunno what it's called. I just know I like it." Napatingin ako do'n sa tray ng itlog na pula sa counter. Tapos, mamayang lunch, salted egg and lettuce sandwich naman.
"Uuuy, I missed that!"
Napangisi ako. "Well, I'm gonna make you unmiss it." At hindi lang unmiss. Baka isumpa pa 'ko nito ni Yuri 'pag nakita niya 'yong dami ng itlog na pulang binili ko.
"Tell me how to make it," sabi niya, sabay turo sa camera na nakakabit sa ulo niya. "And look at the camera while you do."
Ngumisi't nag-peace lang si Yuri sa 'kin nang napabuga ko ng hangin mula sa ilong.
"Well, Sir, you only need two ingredients: salted eggs"—tumuro ako sa tatlong itlog na pula sa kaliwa ng sangkalan, pagkatapos sa mga hinihiwa kong kamatis—"and tomatoes. I think two tomatoes to one egg is a good enough mix." Nagkibit-balikat ako. "At least, that's how, uh, Manang used to do it before."
Na-miss ko tuloy si Manang Rose. Long-time katulong siya ni Lola sa bahay dati e. Hindi ko alam kung ga'no katagal na si Manang kay Lola, pero mula kasi magkaisip ako, siya lang 'yong mainstay na katulong namin. 'Yong iba kasi, seasonal lang; 'pag halimbawang magji-general cleaning o kaya 'pag magluluto nang marami. Kaso, pagkatapos ng libing, wala na ring nagawa si Manang Rose kun' di umuwi na sa probinsya nila kasi nga, ibinenta na ni Mama 'yong bahay. One of these days, I swear, bibisitahin 'ko siya sa kanila sa Nueva Ecija.
"Then what? Tell us what you're doing, Bro."
Natahimik na pala ko habang patuloy na naghihiwa ng kamatis. Ngumisi na lang ako't napailing sa kakulitan ni Yuri. At least, may mga bagay pa rin talagang hindi nagbabago.
Inilagay ko sa sangkalan 'yong huling kamatis na 'di ko pa nahihiwa at nag-desisyong seryosohin 'tong gustong mangyari ng kapatid ko.
"As you can see, I'm slicing up the tomatoes into small cubes. Not too small, though. Just enough so you'd still have something to chew." Isinalin ko sa mangkok 'yong mga hiniwa ko. "Next, scoop out the eggs into the bowl"—isa-isa kong hinati pahalang 'yong mga itlog, kinutsara 'yong mga laman no'n papunta sa mangkok, at saka hinalo at dinurog ang mga iyon kasama no'ng mga kamatis—"and mash the hell outta them all. You gotta mash 'em 'til ya see all the yolk's mixed in with the tomatoes."
Nang wala na kong makitang malalaking bits ng itlog, itinigil ko na ang pagpipisa't paghahalo. "And voila!"
Sumalok ako ng isang kutsara at itinapat 'yon sa bibig ni Yuri.
Feeling ko, sinapian ako ni Ms Sheila.
"Baby Bro, say 'ah'."
"You just gave the world a new gif," sabi niya bago isubo 'yong kutsara.
"Edit mu 'yun, oy. 'Wag mo sama sa vlog mo. Um, by the way, may practice kami mamaya after lunch. Gusto mo ba sumama or dito ka lang? Then, treat daw tayo nu'ng isa ng dinner." Inabot ko sa kanya 'yong iniwang note ni Papa.
Mabilis na nilunok ni Yuri 'yong nasa bibig niya. "Kuya, English."
"Pwede mo naman i-cut out na lang."
"I will! You want Dad to know how you referred to him just now?"
"As if he watches your vlogs."
"He doesn't, but our cousins do. And"—bahagya siyang tumawa—"sometimes, Dad would ask me about something I said or did in one of my vlogs. So." Nagkibit-balikat siya.
"Mga tsismoso talaga amputa."
Natawa si Yuri. "You really hate them, don't you?"
Tumayo ako't nag-inat. "'Di ah," sabi ko, bago pumunta sa fridge para ku'nin 'yong malaking bote ng Blue Bolt at i-unplug na rin 'yong rice cooker sa counter. Pareho kong dinala iyon sa mesa kung saan kanina ko pa inihanda ang dalawang baso, mga plato't kutsara't tinidor. "Sobra naman kase 'yung hate. I just don't, uh, like them. Anyway, kain na."
Pagkatapos kumain, naghintay muna kami nang mga isang oras rin hanggang sa magbukas na ang Southmall at saka kami naggala doon para mag-canvas ng mga desk at double bed para sa kwarto niya. May naisip na raw kasi siyang layout na magkakasya lahat ng gamit niya, at double bed ang pinaka-ideal na size ng kama para do'n—na malaki naman din kung siya lang ang hihiga ro'n—habang wala naman akong magawa kun' di mag-usyoso lang. Niyayaya ko nga sana si Mark e, kasi hindi rin naman siya matigil sa kaka-text, kaso nasa school daw siya at may kailangan siyang asikasuhin.
Tingin ko, natatakot lang talaga siya kay Yuri kasi alam niyang English-speaking. Hindi ko kasi sinabi sa kanyang nakakaintindi at marunong mag-Tagalog ang kapatid ko e. Dahil sa gusto ko siyang pagtripan, ang sinabi ko lang sa kanya ay sa Canada na lumaki si Yuri.
Nang mabusisi na ni Yuri ang lahat ng mga desk at bed frames sa Southmall at nakakain na rin kami ng lunch, dumiretso naman kami sa bahay no'ng kambal. Kung tutuusin, pwede naman naming lakarin na lang dahil sa DBP lang naman sila nakatira. Kaso, sobrang init. Kaya kahit na ayaw pa niya mag-jeep, pinilit ko siya.
"Kilala mo na si Ron, 'di ba?" sabi ko kay Yuri habang tatawa-tawa ako at may pagtatakang nakaturo do'n sa isa na mukhang kakatapos lang magpa-semi kalbo bago kami dumating sa bahay nila. Kaya ngayon, kamukha niya tuloy si Eminem do'n sa 8 Mile. Nagtataka ako, kasi hindi naman ganyan ang buhok niyan kagabi. Normal na one side lang 'yon katulad ng sa kambal niya, kaya ang palatandaan lang talaga namin sa kanilang dalawa ay 'yong hikaw niya at 'yong ugali. May pagka-aggressive at mainitin kasi siya kumpara kay Bon e.
"Pinagtripan kasi 'ko neto," sabi niya.
Hinimas-himas ni Bon 'yong ulo niya. "Ayos ba, Yuan? Bagay, 'di ba?" Siniko siya ni Ron na parang masgusto yata siyang sapakin.
"Bagay naman ih—mom's spaghetti," tatawa-tawa ko pa ring sagot na parang mas nagpa-bad trip pa kay Ron. "Ikaw rin ba?"
Ngumisi si Bon. "'Nako hindi—mom's spaghetti." At nagkatawanan kaming dalawa kaya lalong dumilim 'yong mukha no'ng isa.
Bumaling ako sa kapatid ko at pinilit na mag-British accent. "By the way, Ri, his name's Bon"—pinilit kong pigilang matawa nang tuluyan—"James Bon."
"Ha ha. Ha ha." Inabot ni Bon kay Yuri 'yong kamay na ipinanghimas niya sa ulo ni Ron at nag-shake hands sila. "Bon na lang."
"And I'm Yuri."
Mom's spaghetti. Napaiwas ako ng tingin para hindi matawa sa pumasok sa isip ko.
"Unfortunately, totoo 'yung sinabi ng kuya mo." Sabay akbay sa kambal niya. "Buti pa 'to, Jude Ron. Pangalan pa lang alam mo agad na favorite e."
"Gagu, anong favorite?" Bumaling si Ron sa 'kin. "Kumain na ba kayo?"
Tumango ako't nginitian siya. "Yep, para rekta practice na tayo."
"You don't mind if I took vids for my vlog, right?" tanong ni Yuri sa kambal.
Nag-thumbs up naman 'yong dalawa bago yakagin kaming pumunta na sa studio.
Ang pinakagusto ko 'pag nagpa-practice kami, pati na 'pag kasama namin si Bryan at Chester kahit no'ng una pa lang, puro adjustment na lang sa timing at key ng kanta ang ginagawa namin. Napakaresponsable kasi nilang mga kabanda. Pumupunta sila sa practice na alam na nilang tugtugin 'yong mga kakantahin namin; wala na masyadong kapaan ng chords or ng rhythm. Tumatagal lang talaga kami 'pag gusto naming baguhin 'yong arrangement. Kumakain pa rin naman ng oras 'yong minsanang pag-adjust ng key, pero hindi 'yon gano'n katagal. Ramdam kong nagkaro'n na talaga kami ng routine at nakapag-adjust na kaming lima sa isa't isa.
Lalo pa ngayong acoustic lang kaming tutugtog, hindi na namin kailangang masyadong mag-arrange pa ng kanta dahil kailangan, simple lang. Kasi nga, 'pag acoustic, masmaganda sa pandinig 'yong stripped lang 'yong kanta, 'yong wala masyadong embellishment. Syempre, dahil sa gano'n, mas exposed naman ang vocals. Pero kahit na gano'n, siguro, marami na 'yong dalawang beses ko lang papasadahan 'yong kada kanta. Isa para ma-check kung sakto lang ba 'yong key sa 'kin, at 'yong pangalawa pang-final rehearsal na. Pero kung unang pasada pa lang ay maayos na agad kami, hindi na namin inuulit. Tutal, wala naman si Bryan e.
'Pag 'andyan kasi si Bryan, ang gusto no'n, lahat perfect sa pandinig niya kahit practice. As in lahat. Kahit dati no'ng highschool pa kami, ganyan na 'yan. Masmarami pa kaming naging away dahil sa practice ng banda kaysa sa kung ano pa man.
Gano'n pa man, aminado naman kaming lahat na siya ang unspoken leader namin sa CRYBB. Oo, equal kaming lahat, pero 'pag hindi na namin alam ang gagawin, kay Bryan kami tumitingin.
Pero dahil wala naman siya ngayon sa practice namin, hindi na namin kailangang magpakaperpekto. May mga tiwala naman na kami sa sarili namin e. Kaya, mabilis rin kaming natapos.
"That was smooth," comment ni Yuri bago kumagat sa sandwich na hinanda ng maid para sa 'min sa living room no'ng kambal.
"It was. They're really good, right?" sabi ko sa kanya, at sinadya ko talagang lakasan para marinig no'ng dalawang papalapit pa lang sa 'min habang pinapanood ko sila sa gilid ng paningin ko. Sabay pa talaga silang ngumisi.
"Yeah. What was the first song, though? I don't think I've heard that before."
"Chances 'yon. By Five for Fighting." Bahagya 'kong natawa nang magkibit balikat lang si Yuri, tanda na hindi niya kilala 'yong bandang pinagsasabi ko. "I'm more than a bird. I'm more than a plane. I'm more than some pretty face beside a train, and it's not easy to be me—"
"Ah, Smallville!"
"Kilala mo na?"
Tumango lang siya habang kumakagat sa ikalawa na niyang sandwich. Naisip ko tuloy, mukhang mapapalaban pala 'ko sa paggu-grocery nito. Hindi ko naman napapansin dati, pero malakas pala kumain 'to si Yuri. Halos siya lang din 'yong umubos ng almusal namin kanina.
"Ready na kayo, guys?" tanong ni Bon.
"Yep," sagot ko, sabay tayo. Pareho nilang dala 'yong canister nila kaya hindi na 'ko nagtanong kung may mga klase pa sila. Pero, most likely, pasahan na lang din sila ng plates niyan. "Yuri, you ready? Mom's spaghetti."
Humagalpak ng tawa si Bon. Pati si Yuri halos mabilaukan sa kinakain niya.
"P're, pangit ba talaga?" seryosong tanong ni Ron sa 'kin habang parang nahihiyang hinihimas 'yong ulo niya. Na-guilty tuloy ako.
"Bagay sa 'yo, promise," seryoso ko ring tugon sa kanya. "Sorry, kusa lang talaga lumabas sa bibig ko 'yon"—natawa 'ko—"ka-rhyme kasi e." Nakihimas na rin ako sa semikal niyang ulo. "Promise, bagay. Kamukha mo lang talaga si Eminem sa ganyang buhok."
"Okay na?" sabi ni Bon sa kanya. "Ayaw talaga maniwala sa 'kin e."
Bago sila dumiretso sa school, hinatid muna kami no'ng kambal sa ATC. Ayaw ko pa nga sana kasi out of the way na 'yon para sa kanila, kaso mapilit silang dalawa; hindi naman daw sila male-late e. Sa ATC kasi kami magkikita ni Papa mamaya para mag-dinner, kaya nagpasya na rin kami ni Yuri na libutin din 'yon para magtingin ng mga bed frames at desk para sa kwarto niya. Kumuha na rin siya ng line nang madaanan namin 'yong Globe. Natigil lang ang paglilibot namin nang makapili na siya ng bed frame, na agad naman niyang pina-schedule ng pagpapa-deliver. Online na lang rin daw siya magtitingin ng desk at baka magpa-custom made na lang kung wala talaga siyang mahanap.
"Kuya," may pag-aalangang pagtawag niya sa atensyon ko nang pareho na kaming may kanya-kanyang frappe—libre niya—at nakaupo sa loob ng Starbucks. "Ya know he likes you, right? Ron, I mean."
Napatigil ako't napakunot ang noo sa kanya. Pero kahit na ano pang pag-iisip ang gawin ko, hindi ko pa rin mapagtugma 'yong sinabi niya sa pagkakakilala ko kay Ron. Marahan akong umiling. "'Di rin. Don't think so."
Bahagya siyang tumawa. "You're just dense, man," sabi niya, sabay kibit-balikat. "I'm just sayin'."
Lumagok muna ko ng inumin. "I'm not." Muli akong umiling. "'Tsaka, wala naman siyang sinasabi e." Nagkibit-balikat ako kahit na ang pakiramdam ko, may mabigat na kung anong dumagan sa loob ng dibdib ko. "And it doesn't matter, Ri. Ayo' kong isipin."
"If you say so." Nginisian niya 'ko na parang akala mo siya ang kuya sa 'ming dalawa. "Anyway. You guys don't have a manager, right? Bryan's doin' everything? Can I apply?"
"If you're sure." Napangiti ako dahil sa pag-iiba ng topic. "Kausapin mo si Bryan. Matutuwa 'yon."
At least, may iba pa siyang pagkakaabalahan. 'Yong totoo kasi, nag-aalala rin akong baka ma-bore lang siya dito kasama 'ko at magpasyang bumalik na sa Canada dahil do'n. Aminado naman kasi ako sa sarili kong tama si Bryan tungkol sa 'kin, na boring akong tao. O, siguro, mas tamang sabihing tamad ako, at natatakot akong, sooner or later, baka mapagod ako dito sa pagpapakitang-tao ko kay Yuri.
Pero, sabi nga nila, fake it 'til you make it.
'Yan lang muna siguro ang motto ko sa ngayon, at sana ma-appreciate ni Yuri.
At saka, tingin ko rin talaga, kailangan na ni Bryan ng tulong sa pagma-manage ng banda namin kung talagang gusto niyang dumami ang mga gig namin. Tutal, may mga nag-i-inquire naman daw para sa 'min e. Oo, liliit ang hatian namin kasi hindi naman pwedeng hindi namin bigyan ng cut si Yuri. Pero bukod sa makakapag-focus na kaming lahat sa pagtugtog lang, panatag na rin kaming may mga gig kaming pupuntahan kung sakali.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mag-isip na pang-long term na 'tong pagbabanda namin. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakasakay na sa biyaheng 'to ni Bryan. Hindi naman ako nagsisisi e; sa katunayan, nag-e-enjoy na nga ako e. Minsan nga, nahuhuli ko na ang sarili kong nag-i-imagine na nagtu-tour kami't tumutugtog sa harap ng maraming tao. Pero syempre, alam ko pa rin naman 'yong reyalidad na malabong mangyari 'yan sa Pilipinas kasi hindi naman mahilig ang mga Pinoy sa alternative. Kaya, sa ngayon, sapat na siguro sa 'kin 'yong hindi kami nabu-boo sa 220.
Bandang alas syete na ng gabi, kumakain kami nina Papa at Yuri sa Silantro na parang may kanya-kanyang mundo. Tahimik lang ako dahil nao-awkward-an akong kumain kasama si Papa. Si Yuri naman, kunwaring nagtatampo dahil sa Jollibee niya daw gustong kumain kaya 'yong phone niya lang ang inaatupag niya. Hindi pumayag si Papa dahil may sasabihin daw siyang kailangan ng privacy—kahit na hindi naman gano'n ka-private ang mga mesa sa Silantro—kaya lalong nagpatahimik 'yon kay Yuri. Wala namang kaso sa 'kin kahit saan kami kumain. Na-miss ko rin kasing kumain ng masarap at libreng burrito.
Hindi naman kami totally tahimik. May mga minsang nagtatanong-tanong si Papa sa mga nangyayari sa buhay ko. Pakiramdam ko nga lang, hindi naman talaga siya gano'n ka-interesado sa mga sinasabi ko sa kanya. Ewan ko ba. Baka pakiramdam ko lang talaga 'yon.
Pero, 'yon nga, awkward talaga.
"Yuey"—nagpigil ako ng tawa nang sadyang malakas na bumuntong hininga si Yuri para sumabat kay Papa na walang nagawa kun' di umiling na lang. Ganyan kasi 'yan si Yuri 'pag tinatawag akong 'Yuey' dahil masyado ngang malapit sa pangalan niya—"Yuan. I—we—need a favor."
We?
Nagkatinginan kami ni Yuri. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba. Inilapag ko sa plato 'yong kinakain kong burrito at tumingin kay Papa.
"Ano 'yon, Pa?"
"Nagbabalak kasi kami ng mama mo na mag-expand, and I thought we could ask you to invest in it since you have enough money. But ayaw ng mama mo. But still, I'll ask you now if you would."
Pakiramdam ko, parang may isang higanteng kamay na lumabas out of nowhere, hinawakan ako sa ulo na parang bola, at sinimulang pisilin na parang stress ball.
Napatingin ulit ako kay Yuri na nakakunot ang noo kay Papa. Tumingin siya pabalik sa 'ki't nagkibit-balikat lang bago sumubo ng nacho. Sa tono ni Papa, parang gusto niyang palabasing 'yon ang dahilan ng pag-aaway nila, pero masyadong mababaw 'yon para sa 'kin. Kaya, kahit na sabihin niya pa outright ngayon sa 'min ni Yuri na 'yon nga ang dahilan, hindi ako maniniwala.
Wala naman sanang problema sa 'kin kung 'yong para sa investment lang kasi hindi ko naman ginagamit 'yong pera. Wala sanang problema 'yon sa 'kin lalo na kung last week sila nagtanong sa 'kin. Ngayon kasi, may gusto na 'kong paglaanan no'n. Kaso, kahit na sobrang absentee parents ko sila, ang hirap naman tumanggi, at sigurado ako, kung buhay si Lola ngayon at sa kanya sila humingi ng investment, ibibigay niya 'yon sa kanila.
"I—I...." Napabuntong hininga ako. "How much ba, Pa, are you talking about?"
"I think, one million pesos will be enough."
Lalong humigpit 'yong pagpisil no'ng kamay sa ulo ko. Gustong gusto ko nang masahiin ang mga sentido ko pero pinigilan ko 'yong urge.
"Kelangan ko po ba mag-decide ngayon?"
Umiling siya. "'Di naman. Sinasabi ko lang sa 'yo, since as much as possible, mas okay kung 'di na kami mag-loan. At the same time, may income ka rin from the company. I'm going back on Monday though."
Tumango ako't muling dinampot 'yong burrito nang muling magsalita si Papa.
"And, Yuan, bumili pala 'ko ng dining table. May set na 'yon ng upuan for four. Ide-deliver bukas sa unit mo."
"What? Pa, naman!"
'Di ko na napigilang ihilamos sa mukha ko ang pareho kong palad.
*
Song credits:
Superman (It's Not Easy)
by Five for Fighting
Songwriters: John Ondrasik
Copyright © Emi Blackwood Music Inc., Five For Fighting Music