19
Biyernes ng gabi. Encore na naman.
Na-anticipate naman naming maaring mangyari ulit 'to e, kaya may naihanda na kaming kanta no'ng kambal.
I mean, hindi naman sa inaasahan na talaga naming mangyayari 'to—parang ang yabang kasi kung na-anticipate e—pero kung sakali lang na kailanganin, nagbaon kami.
Para lang handa.
Sa totoo lang, parang sobrang haba na ng araw na 'to dahil sa mga nakaka-stress na mga bagay na pinaggagawa ko, at itong gig namin ngayon 'yong parang break time para sa 'kin. Simula no'ng tumugtog kami kanina—kahit pa medyo awkward kasama si Ron—na-relax na 'yong isip ko. Sayang nga lang at thirty minutes lang 'to.
Kaya pa naman siguro naming umisang set pa. Pero, 'yon ay kung may bayad pa ulit.
Sa dami ng utang ko ngayon, kailangang kailangan ko na kumayod.
Buti na lang—at 'di ako makapaniwala sa sarili kong nasasabi ko 'to—napag-usapan naming ubusin 'yong mga naipon naming bucket ngayong gabi at mag-inom lang bilang celebration ng last day namin sa college. Sabi no'ng kambal, hindi naman daw sila babagsak sa exams nila dahil lang sa isang gabing hindi sila nakapag-aral e, kaya kasama pa rin namin sila. 'Yon nga lang, kanya-kanyang commute kami mamaya pauwi dahil wala do'n sa dalawang kambal ang gustong magparaya. Kung ako ang tatanungin, gusto ko lang talagang lumaklak ng alak.
Hindi ko kasi alam kung dapat ba 'kong mag-celebrate o magluksa e.
"Last na talaga 'to, mga ma'am, sir. 'Tong last song na 'to, para du'n sa mga table na 'yon," sabi ko, habang nakaturo sa taas, sa tatlong magkakatabing mga table sa mezzanine na katapat nitong stage. Do'n nakaupo sina Yuri, Bryan, Jade, Chester, Dave at iba pa naming mga schoolmate. Naghiyawan sila nang ituro ko sila.
Isang helera kaming tatlong nakaupo sa stage no'ng kambal. Nasa kaliwa ko si Ron na nakaupo sa likod ng keyboard, habang nasa kanan ko naman si Bon na hawak ang bass guitar niya habang nakaupo sa beatbox.
Ayaw ko sana dahil ang awkward sa pakiramdam, pero tumingin ako kay Ron dahil siya ang magsisignal ng simula ng encore namin. Tumango siya, at may split second lang na nauna 'yong keyboard niya bago ako pumasok sa kanta.
Broken bottles in the hotel lobby; seems to me like I'm just scared of never feeling it again.
I know it's crazy to believe in silly things, but it's not that easy—
Sa chorus, sumabay na ang bass ni Bon, at dahil sa sobrang in sync nila ng kambal niya, kahit na keyboard at bass guitar lang ang tumutugtog, ang pakiramdam ko naka-full band kami.
—But I've got high hopes, it takes me back to when we started.
High hopes, when you let it go, go out and start again.
High hopes, oh, when it all comes to an end and the world keeps spinning.
The world keeps spinning.
The world keeps spinning around.
Nang matapos na ang kanta, nagmadali na kaming magligpit para sa susunod na banda. 'Yong totoo kasi, ngayong acoustic kami at tatatlong tao lang, masmarami pa kaming gamit na kinailangang iligpit kaysa noong full band kami. Kasi, 'yong dalawang ungas na si Bryan at Chester, hindi man lang kami tinulungan. Tinatanaw lang nila kami mula sa taas at tinatawanan. Ito kasing kambal, por que marami silang alam, talagang gusto nilang ipakita. Kaya, nitong nakaraang tatlong gig namin, iilang kanta lang 'yong kinailangang maggitara talaga ako.
"Yuan."
Kapapasok ko pa lang sa resto galing sa Fortuner no'ng kambal. Nauna na 'ko sa kanila dahil pupuntahan ko pa si Kuya Kevin sa opisina niya. Paglingon ko sa kaliwa, kasabay ko nang naglalakad ang nakangiting si Mark na agad namang kumindat sa 'kin. Sa ilalim ng kaliwang kili-kili niya, nakaipit ang isang itim na tray. Itinuro ko 'yon sa kanya.
"Tingin ko, bawal 'yan sa sanitation."
Ngumisi siya. "Nako, kahit dito ka pa tumira."
"Tss."
Pagkapasok namin sa kitchen, agad akong gumilid sa hagdan paakyat sa opisina dahil nakita kong sobrang busy ng mga crew sa loob. Nakakahiyang tumambay lang at mag-usyoso. Didiretso na sana 'ko ng akyat kaso napansin kong sumunod pa sa 'kin si Mark, kaya napatigil ako.
"Oh, Kuya, bakit po?" may ngising tanong ko sa kanya.
"Baka kasi madulas ang baby ko. Aalalayan ko lang," may pagbibiro niya ring tugon. Natawa 'ko't napailing sa kanya. Mabilis akong tumingin sa paligid, pero mukhang wala namang pumapansin sa 'min.
"Seryoso, bakit nga? Kasi, ano"—napahaplos ako sa batok ko bago tumingin nang diretso sa itim niyang mga mata—"may sasabihin ulit kasi ako sa kuya mo. Promise, sasabihin ko naman sa 'yo 'pag okay na e."
"Tss." Tapos, bigla siyang tumawa. "Kaka-tss mo sa 'ken nahahawa na tuloy ako sa 'yo."
"Tss."
"May sasabihin lang ako sa 'yo. Baka kasi makalimutan ko e."
"Sabihin mo na. Baka mapagalitan tayo dito, oh," sabi ko habang tinuturo 'yong parang bee hive na kitchen sa likod niya.
"Ano, kase"—huminga siya nang malalim—"baka libre ka bukas? Nood tayo no'ng Logan."
Nagpigil ako ng tawa. "Date ba 'yan, Sir?"
"Kaya ko namang lumuhod dito kung gusto mo e."
Napailing ako. "Tss. Oo na, sige na," pagpayag ko sa pagyayaya niya. Hindi naman kasi ako tututol e. Gusto ko lang sana siyang asarin muna, kaso nananakot pa talagang luluhod siya. "Mamaya na lang. Pumepetiks ka pa e."
Ngumiti siya. "Um-oo ka na, ha?"
"Oo nga!"
'Di ko na siya hinintay pang sumagot. Agad na 'kong tumakbo paakyat ng hagdan bago pa niya madugtungan 'yong usapan namin, pero binalikan ko siya ng lingon pagkarating ko sa tuktok, sa tapat ng glass door ng opisina. Bahagya 'kong natawa nang lalong lumapad ang ngiti sa mukha niya nang magtagpo ang tingin namin. Tapos, saka lang siya kumaway at tumalikod bago tuluyan nang lumabas ng kitchen.
Huminga 'ko nang malalim.
Isang linggo pa lang ang lumipas mula no'ng birthday niya, pero pakiramdam ko—ewan ko ba—sobrang lapit na namin sa isa't isa. Gano'n ba talaga 'yon? Ang bilis. Nabibilisan ako. Kinakabahan ako, pero hindi 'yon 'yong masamang kaba. Hindi 'yon 'yong katulad ng kaba ko 'pag mabilis mag-drive si Bryan. Kung ikukumpara ko, para 'yon 'yong kaba ko sa tuwing nagpapadulas ako sa slide sa pool.
Kaso, ang bilis.
Pero, hindi naman nasusukat sa araw 'yon e. 'Di ba?
Napailing ako.
Napabuntong-hininga.
Bahala na.
Kumatok muna 'ko nang dalawang beses sa pinto bago tuluyan ko iyong binuksan, at naabutan ko si Kuya Kevin na nakaupo sa conference table paharap sa 'ki't nakapangalumbaba.
"Kanina ko pa pinapanood 'yung silhouette mo 'jan sa salamin. Ang tagal mo pumasok."
Bahagya 'kong natawa't napakamot ng ulo. "Sorry, Kuya. Dami kong iniisip e." Lumapit ako't umupo sa harap niya.
No'ng una, ang balak ko sana ay bilhin 'yong share niya gamit 'yong perang pinamana sa 'kin ni Lola. Naiintindihan ko naman 'yong sinabi niyang mas okay kung maglo-loan na lang ako sa bangko dahil kailangang isipin ko muna 'yong mga rainy days ahead, pero para sa 'kin kasi, sapat pa rin 'yong matitira do'n sa pera pagkatapos na maibawas 'yong pambili ko do'n sa share niya para hindi ako mamulubi ng ilang taon. Hangga't maaari kasi, takot akong magkautang. Kaso, dahil do'n sa pabor na hinihingi sa 'kin ni Papa, napagpasyahan kong sundin 'yong advice ni Kuya Kevin.
Kaya kaninang umaga, halos ubusin ko 'yong oras ko kasama ng kaibigan niya sa bangko. Basically, sa susunod na tatlong taon, malaking bahagi ng kikitain ko kada buwan mula sa 220 ay naka-set aside na bilang pambayad ko ng utang. Wala naman iyong kaso sa 'kin dahil lumaki naman akong matipid. Ang kaso lang, nakaka-stress isipin 'yong parang araw-araw na may nakasabit na reminder sa harap ko, na may malaki akong utang na kailangang bayaran.
Kinuha ko mula sa bag ko 'yong folder ng mga papel na puno ng pirma ko, kabilang na 'yong tseke para sa 1.4 million pesos. Wala namang nakitang problema 'yong abugadong kinonsulta ko rin kanina—suggestion ni Kuya Kevin para raw masmapanatag ang loob ko—pero 'yong pakiramdam ko pa rin ngayon, 'yong para 'kong tatalon sa bangin.
Huminga ako nang malalim at iniabot 'yong folder kay Kuya Kevin.
Natawa siya. "Okay ka lang, Yuan? Kung 'di ka sure, pwede naman nating 'wag na ituloy."
Huminga ulit ako nang malalim. "Sure ako, Kuya."
"Listen." Hinawakan niya 'yong nanginginig kong kamay. "I know how you feel. I've been there. Nu'ng iniwan ako ni Dad ng pera, 'di ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. This is a huge risk, I know. So, just in case, you know my number and where I live. I don't mind you calling me. Kahit tungkol sa'n. Kahit not about the resto. Isa pa, matagal pa naman bago 'ko mawala dito e. I will still train 'yung accountant. Ta's kailangan pa ng store manager."
"Thanks, Kuya," sabi ko. "Um, pwede ba humingi ng favor?"
"Sure."
"I know you have to tell 'yung mga"—bahagya 'kong natawa nang may halong hiya—"um, 'yung mga partners mo. Pero pwedeng sila lang muna? And ako na rin sana ang magsasabi kay Mark, please? I really don't want anyone else to know."
Napansin kong may nag-iba sa tingin niya sa 'kin—'di ko lang alam kung bakit—pero tumango naman siya. "Kung 'yan ang gusto mo. But, you should know na anyone can look it up kung gusto nila," sabi niya, sabay kibit-balikat.
"I know naman, Kuya," sagot ko sa kanya. Pero alam ko rin namang napakabihira sa mga tao 'yong magre-research pa kung sino ang may-ari ng isang resto. Maliban na lang kung balak nilang kasuhan 'yon. Wala naman akong gagawing masama e. Ayaw ko lang talagang ipagkalat. "And bukas ko rin naman balak sabihin kay Mark."
Saglit siyang natahimik bago bumuntong hininga at nagsalita. "Yuan, tell me kung, uh, I'm speaking out of turn. I'm not blind. You and my brother"—'di ko napigilan ang sarili kong mapalihis ng tingin sa biglang kabang halos pasabugin 'yong dibdib ko—"masyado lang ba 'kong assuming or are you two more than friends?"
Kung pwede lang maglaho, ginawa ko na, at kung katabi ko lang si Mark, baka nasiko ko na 'yon. Ewan. Yayabang-yabang pa siya sa 'king boto sa 'kin ang kuya niya tapos biglang maa-ambush lang pala 'ko dito ngayon.
"Um, Kuya, kase...." Huminga ako nang malalim. "Kuya, kase kung wala pang sinasabi si Mark sa 'yo, parang mali naman kung sa 'ken manggagaling 'yung ano, 'yung tinatanong mo."
Bahagya siyang tumawa nang mapakla. "You're right. Pero like I said, I'm not blind. I'm sure hindi lang ako 'yung nakakapansin, but forget I said anything. I just...." Nagkibit siya ng balikat.
Gets ko naman. Base sa mga kwento sa 'kin ni Mark, masasabi kong masmabuting kuya si Kuya Kevin kay Mark kaysa sa 'kin kay Yuri. Pero kahit na hindi pa gano'n kalapit 'yong relasyon namin ng kapatid ko ngayon, kahit na mahirap malaman kung sino sa 'ming dalawa ang masmatanda kung titignan kami, nandoon pa rin 'yong protectiveness ko sa kanya. Kaya nga wala 'kong naramdamang kahit na anong pagtutol no'ng tinanong niya 'ko kung pwede bang sa 'kin na siya tumira e. Kahit kasi minsan lang sa isang taon kami magkita niyan, masasabi kong mahal ko 'yan. Lalo pa kaya si Kuya Kevin.
Malamang sa malamang, gusto lang din niyang protektahan si Mark. Siguro sa pananaw niya, hindi naman ako mukhang masamang tao, pero masmabuti na 'yong nakasisigurado.
I'm sure, magiging ganyan din ako ka-judgmental sa mga babaeng iuuwi ni Yuri.
Bumuntong hininga ako. Sana lang, hindi magalit sa 'kin si Mark sa gagawin ko ngayon. Tingin ko naman, base sa mga sinasabi ni Kuya Kevin ngayon, mukhang hindi naman siya homophobe e.
"Actually, Kuya"—nag-cross fingers ako sa ilalim ng mesa—"we're dating." Kaso, sa kaba at biglang takot ko sa sasabihin niya, kusang umiwas sa kanya ang mga mata ko at nagpunta kung saan-saan.
"Good."
May halong gulat na bumalik sa kanya ang tingin ko.
"At least, you think it's mutual," sabi pa niya na nagpainit nang husto sa mukha ko. "Worried lang kasi ako sa isang 'yon. Don't get me wrong pero para kasing s'ya lang 'yung may feelings sa inyo e." Bahagya siyang tumawa at umiling. "'Wag mo sabihin sa kanyang sinabi ko sa 'yo pero kung sakali, you'd be his first. And ayo' ko sanang masaktan ang kapatid ko—I know imposible 'yon. But if you think it's going nowhere, sana maaga pa lang tigilan mo na 'yung kung ano man 'yan."
Para 'kong sinuntok sa dibdib. Sa tono niya, pakiramdam ko, nahusgahan na agad ako.
"Um, Kuya Kev"—tumingin ako sa kanya nang diretso—"'di naman sa sinasabi kong mahal ko na si Mark, pero mahalaga s'ya sa 'ken."
"Sorry, Yuan, maybe that came out wrong. Hindi ko kayo hinahadlangan. I just—I'm just looking out for my brother."
"Naiintindihan ko naman 'yon, Kuya, since may kapatid din ako," sabi ko sa kanya nang may pilit na ngiti.
Ngumiti rin siya pabalik, at kahit kaunti, bumalik 'yong magaan na atmosphere sa opisina't nakahinga ako nang maluwag kahit papa'no.
Tumayo siya, kaya tumayo na rin ako. "Na-sidetrack na tayo. Oh, pa'no? Fifty-six percent of this"—ikinumpas niya 'yong kamay niyang parang ipiniprisinta sa 'kin 'yong buong opisina—"is now yours, and officially, employee mo na 'ko, Boss." Ngumisi siya't inabot sa 'kin 'yong kamay niya. Kinuha ko naman 'yon at kinamayan siya.
"Kuya, naman."
"Punta ka pala dito sa Monday, ha? Pakilala ko sa 'yo 'yung bagong accountant naten," sabi niya nang nakangisi pa rin. "Sige na. Go out there and celebrate with your friends."
Hindi ko alam kung napansin niya, pero binilisan ko 'yong paglalakad ko nang sakto lang sa hindi ako nagmumukhang tumatakbo para lang mabilis na makatakas na sa opisina. Hindi ko na rin hinanap pa si Mark. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa marating ko 'yong pwesto namin sa mezzanine, sa tabi ng railing sa tapat ng stage. At doon, saka lang talaga 'ko nakahinga nang maluwag.
Binati naman nila 'ko nang dumating ako at nginitian ko naman sila bilang tugon. Halos tabi-tabi na 'yong mga upuan dahil ang dami naming magkakasama kahit na tatlong mesa na ang inookupa namin. May isang bakanteng upuan sa gitna ni Yuri at Ron, habang sa kanan naman ni Yuri nakaupo si Bryan, tapos si Jade. Kahit alangan, agad na 'kong umupo sa tabi ni Yuri. Napabuntong hininga ako.
Na-stress talaga 'ko do'n sa nangyari sa opisina.
"You okay, Bro?"
Alam ni Yuri kung saan ako nanggaling. Alam din niya kung ano ang pakay ko do'n. Ikinuwento ko ang lahat sa kanya dahil sa hindi ako makapili kung susundin ko ba 'yong gusto kong bilhin ang share ni Kuya Kevin sa 220 o 'yong mag-invest na lang sa sarili naming kumpanya. "Why not both?" ang sinabi niya sa 'kin. Nang sabihin ko sa kanyang ayaw kong magkautang, ang sinabi lang niya ay mababawi ko rin naman daw 'yon. Saka kung sakaling mahirapan ako, tutulungan naman daw niya 'ko sa mga kinikita ng channel niya.
Ang hindi niya lang alam ay 'yong extrang pangyayari pa do'n sa opisina ni Kuya Kevin.
Tumango ako at huminga nang malalim. "I'm fine," sabi ko habang bumubunot ng bote ng San Mig Light mula sa bucket sa gitna ng mesa. Bukod do'n, marami pang pulutan ang nakalatag. Bubuksan ko na sana 'yong bote nang may humawak sa balikat ko.
"Yu, may nagpapabigay."
Si Mark. Mula sa tray na nakataas sa kaliwa niyang kamay, maingat at sunod-sunod niyang inilapag sa mesa sa harap ko ang isang platong may isang cup ng kanin, dalawang slice ng liempo, atsara, at buttered corn and carrots, isang mug ng iced tea, at isang sauce cup na hula ko'y may pinaghalong toyo't suka.
Napakunot ako ng noo sa kanya. "Sino?" tanong ko sa kanya, pero kumindat lang siya. "Pakisabi na lang salamat."
"Makakarateng," sabi niya nang may pagtapik sa 'kin sa balikat. "'Ge, lapit na ko mag-time out e." At saka siya lumakad na palayo.
Napatingin ako kay Yuri at Bryan dahil alam ko kung ano ang iniisip nila, na galing kay Mark 'yon. Pareho silang nagpipilit magpaka-poker face pero kitang kita ko 'yong nagbabadyang ngisi sa mga mukha nila. Umiling lang ako at tumayo para sumunod kay Mark, at sa hagdan ko na siya naabutan.
"Mark, sa 'yo ba galing 'yon?"
"Oo." Patuloy lang siyang naglalakad pababa, kaya sumabay ako. "Kanina ko pa 'yon pinagawa pero sakto lang sa pagbalik mo. Mainit 'yon. Kainin mo na. 'Di ka pa kumakain, 'di ba? Ta's mag-iinom ka agad? Masarap 'yon, bagong katay at bagum pitas."
Bagong katay?
Bagong pitas?
Mukhang kinakabahan na naman ang ungas. Nagra-ramble na naman e.
"Mark, naman."
Tumigil kami sa paglalakad nang tuluyan na kaming makababa ng hagdan.
"Ayaw mo ba? 'Di ba gusto mo 'yung ulam na 'yon?"
"Hindi 'yon 'yun e," sagot ko sa kanya. "Tsk. Bukas, sagot ko lahat, ha?"
"Ha? 'Di 'yun pwede, Yuan."
Bumuntong hininga 'ko. Sa kung anong dahilan, naiinis ako sa kakulitan niya, at pinipigilan kong taasan siya ng boses.
Siya pa 'tong nagsabi sa 'kin na pinapadalhan niya 'yong nanay niya ng pera para makatulong sa gastos at hindi raw ako ang priority niya kun' di ang pamilya niya, tapos ganito lang din ang gagawin niya. Ilang araw niya 'kong ipinagluto, at nang hindi na niya magawa 'yon dahil nasa condo ko si Papa, magkasunod na gabi naman niya 'kong inuwian ng pagkain. Ngayon naman, pati dinner, ini-order pa niya 'ko, e buti sana kung presyong karinderya lang dito.
"Sagot ko o 'di tayo tuloy?"
"Kung ako sa 'yo, P're, sundin mo na 'yan. Galit na, oh," pagsabat ni Bryan mula sa likod ko. "Dito pa talaga kayo nag-e-L.Q."
Inambaan ko siya ng suntok, pero tatawa-tawa siyang mabilis na nakatakbo papunta sa direksyon ng mga banyo. Pagbalik ng tingin ko kay Mark, mukha namang natauhan na siya. Or baka assuming lang ako. Nakangiwi siya sa 'ki't hinihimas-himas niya 'yong batok niya.
"Payag na 'ko, Yu," sabi niya, "basta tuloy lang tayo."
Napangiti ako. "Okay. Sige, kain na 'ko."
Tinapik ko siya sa braso't saka ko siya iniwa't tumakbo paakyat ng hagdan pabalik sa upuan ko.
Gutom na rin kasi talaga 'ko e.
*
Song credits:
High Hopes by Kodaline
Songwriters: Mark Daniel Prendergast, Stephen Joseph Garrigan, Vincent Thomas May
High Hopes lyrics © CONCORD MUSIC PUBLISHING LLC