23


March 11, 2017 - ang date ng 1st at 2nd kiss natin hehehe


Dear Yuan,


Mahal kita.

At sapat na sakin yung sagot mo sakin kanina.

Gusto ko lang ulitin hehe. I love you.

Akala ko masarap na yung yakap mo pero masmasarap pala yung halik mo hehe! Sana first and second of MANY yun. Kung hindi mo pa rin gets hanggang ngayon, masaya akong ikaw ang first kiss ko. Sobra!

Alam ko namang marami gustong makiagaw, pero ang mahalaga, wala kong karibal bwahaha!

Syempre, ito talaga agad ang una kong inatupag pagkarating ko sa bahay. Mukhang effective kasi yung una kong love letter e kaya syempre dapat sundan hehe. Pero sabihin mo lang kung ayaw mo ha? Titigilan ko, promise. Pero kung gusto mo naman, wag ka mag alala, kahit tayo na (naks!) susulatan pa rin kita. Lalo na pag nasa barko na ko. Siguro araw araw kitang susulatan pag andun ako. Mas gusto ko kasi yung ganito kaysa yung mag type sa phone hehe mas dama ko yung sinasabi ko pag ganito e.

Kaso, alam mo, iniisip ko pa lang ngayon na mawawalay ako sayo parang di ko na yata kakayanin. Kaso kailangan talaga e. Hay!

Sa totoo lang lutang pa rin ako hanggang ngayon. Buti na lang kasama kitang umuwi kasi baka malamang umabot na ko sa Lawton sa sobrang pagkalutang. Hindi ko alam kung napanood mo na yung Sound of Music pero may isang kanta dun na saktong sakto sa nararamdaman ko ngayon. Yung kinanta ni Maria, may linya dun na "somewhere in my youth or childhood I must have done something good". Siguro kantahin ko sayo yan pag nasa roofdeck tayo hehe. Yan na yan kasi yung nararamdaman ko ngayon e.

Bata pa lang kasi ako, parang ang malas ko na. Ewan hehe. Buti na lang anjan si Nanay at si Kuya, yung mga kapatid ko. Tapos ngayon, anjan ka na rin hehe.

Siguro, pagkatapos ng graduation, dalhin kita dun samin. Kung pwede ka. Naikwento na rin kasi kita kay Nanay e. Mabait yun, pramis. Masmabait yun kaysa kay Kuya haha! Sabi niya, isama daw kita dun. Ipapakilala sana kita sa kanya sa graduation ko kaso hindi daw siya makakapunta kasi walang magbabantay sa mga kapatid ko saka sa tindahan namin. Kaya yung isa sa dalawang ticket ko para sa grad ko, sayo na lang ha? Hehe PLEASE! Kayo ni Kuya yung audience ko dun.

Akala mo siguro nakalimutan ko na yung sinabi mo kanina no? Na kapag naharana kita galing sa ground floor sasagutin mo ko? Hehe maghintay ka lang. Kahit nasa 100th floor ka pa hehe. Bago ng graduation namin boyfriend na kita, I love you :D hehehe kinikilig ako, Yu!!!

Salamat pala ha? Kahit hindi ko pinapaalala sayo, naalala mo pa rin yung napagkasunduan namin ni Kuya na bibilhin ko yung kalahati ng share niya. Ang plano ko kasi dati, pag okay na yung pag-aaral ng mga kapatid ko, balak kong maging chef sa 220. Kahit papano kasi natuturuan na ako nila Chef Ric at Kuya Tim e hehe. Syempre balak ko pa rin mag aral para naman hindi ka mapahiya sakin. Tapos pag successful na tayo, dagdag pa tayo ng branch hehe. Kahit anong gusto mo, ako bahala. Spoiled ka sakin.

Sorry hehe andami ko ata masyadong plano. Pero libre naman mangarap e. Basta, tandaan mo, bawat pangarap ko kasama ka. Saka totoo yung sinabi ko kanina sayo. Pangarap ko ang ibigin ka.

Kung gusto mo, kantahin ko pa sayo e hehe.

Alam ko hindi ka masalitang tao, pero ayos lang sakin yun. Nararamdaman naman kita e. Basta wag mo kalimutan, andito lang ako lagi. Kahit ano pa yang pinagdaraanan mo.

Pano, hanggang dito na lang muna. Baka sabihin mo na naman pinadalhan kita ng nobela e.

Nga pala, sana umuwi na papa mo hehe peace! Namimiss ko na kasi paglutuan ka ng almusal e.


Nagmamahal,
Mark


   
Buy Me A Coffee